Wednesday , November 13 2024

Hindi dapat kaawaaan ang angkang Estrada

HINDI dapat magpadala ang publiko sa ‘paawa-effect’ ng angkang Estrada para masungkit ang simpatiya ng taong bayan sa kanilang panig kahit nandambong sila sa kaban ng bayan.

Pinalalabas nilang ‘pinupolitika’ lang sila ng administrasyong nakaupo kapag nabubuko na ninakaw nila ang pera ng bayan.

Kahit santambak na ebidensiya at mararangal na tao ang tumestigo laban kay Erap kaya siya hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong plunder, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya inaamin na krimen ang pagpapayaman sa pamamagitan ng pag-abuso sa kapangyarihan.

Kaya naman ang kanyang mga anak ay pareho niya mag-isip, na nag-aakalang lisensiya nila sa pagnanakaw sa gobyerno ang pagkakahalal sa kanila sa puwesto.

***

ANO naman ang motibo ni Jinggoy para himukin si Commission on Audit (COA) chairman Grace Pulido-Tan na palitan ang COA chief sa Maynila noong Hulyo?

May kinalaman ba ito sa natirang P1.5 bilyon na iniwan ni Mayor Alfredo Lim sa kaban ng Maynila na ayaw aminin ni Erap dahil pinipilit niyang paniwalaan ng publiko na bangkarote ang Manila City Hall nang datnan niya?

Nang malaman ni Jinggoy na hindi niya kayang impluwensiyahan si Tan, naghabi siya ng mga kasinungalingan laban sa COA chairman na sumabog mismo sa kanyang mukha nang buweltahan siya nito.

Magiging maayos ang hukay ng libingan ng political career ng angkang Estrada kung hindi na makikialam si Justice Secretary Leila de Lima sa mga kasong kanilang kinasasangkutan at hahayaan na lang ang Ombdusman at Sandiganbayan na magpasya.

IBA ANG MAY PINAGSAMAHAN

MATAGAL na nating napuna na patay-gutom sa publisidad si De Lima mula nang italaga siyang chairman ng Commission on Human Rights (CHR) noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Muli na namang umiral ang kanyang kakaibang hilig sa atensiyon ng publiko sa kanyang pakikipagbangayan ngayon kay Lorna Kapunan, abogado ni Janet Lim-Napoles, dahil sa kasong serious illegal detention ng kliyente nito.

Hindi naman si De Lima ang abogado ni Benhur Luy na nagsampa ng serious illegal detention case laban kay Napoles kaya dapat ay ipaubaya na lamang niya ang pagdepensa sa kaso kay Atty. Levito Baligod at ang atupagin na lang niya ay ang kanyang trabaho bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Alam natin na ayaw mawala ni De Lima sa kanyang anino ang P10-B pork barrel scam dahil may inaasinta siyang mas mataas na posisyon sa gobyerno at ang kasong ito ang inaasahan niyang magdadala sa kanyang kampanya sa 2016.

Ang ipinagtataka natin ay kung bakit sa rami ng mga mambabatas at opisyal ng gobyernong inasinta ni Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang privilege speech kamakailan ay hindi napasama sa kanila si De Lima, na kung tutuusin ay siyang nagrekomendang sampahan siya ng kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Ayaw nating isipin na maulit ang senaryo sa Dacer-Corbito double murder case na sobra ang pagdakdak ni De Lima laban sa mga itinuturong utak sa krimen na sina dating Sen. Panfilo Lacson at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada pero hindi naman naghain ng apela ang Department of Justice (DOJ) nang ibasura ng Korte Suprema ang kaso laban sa kanila.

Hindi ba’t kaya napilitang ‘tumakas’ si dating police Col. Cesar Mancao mula sa National Bureau of Investigation (NBI) jail ay dahil siya pa ang naging akusado at nakulong, kahit nagsilbi siyang testigo ng gobyerno laban kina Lacson at Estrada?

Nawalan na ng tiwala ang mga naulilang anak ni Dacer sa DoJ kaya’t sa US na lang nagsampa ng kaso laban kina Lacson, Estrada at iba pang akusado sa pagdukot at pagpatay sa kanilang ama.

Gumasta nang malaki ang Amerika sa paghuli, pagkulong at pagpapabalik sa Filipinas kina Mancao, dating police colonels Michael Ray Aquino at Glenn Dumlao, mga akusado sa Dacer-Corbito double murder case, pero nabalewala nang hindi ipaglaban ng DoJ ang kaso.

Paano tayo maniniwala ngayon na makakamit ng sambayanang Filipino ang hustisya laban sa mga nagsabwatan sa panggagahasa sa kaban ng bayan kung ang katarungan nga para sa pagpaslang sa dalawang nilalang ay pinabayaan lang ng DOJ na ipagkait sa mga naulilang pamilya?

JINGGOY NABUKING,

PINAPAPALITAN ANG COA

AUDITOR SA MAYNILA

“COA chief Grace Pulido Tan on tv, she assured bobo Jinggoy will be the 1stone to receive list of disallowance & others soon to follow. Alleluia!” <0920941….>

***

JUAN PENA (Bulacan) – “Magkano ba ang sweldo ni Jinggoy “Plunderer Son” Estrada at kasalukuyang nagpapagawa ng mansion ngayon, wala namang pelikula ‘yan na tumabo sa takilya?” <0999853….>

***

“Dapat pati ‘yan si JV imbestigahan, biglang yaman din. Kakapal ng mukha, wala ng tinirang hiya sa mga mukha.” <0921477….>

***

NONOY (Bulacan) – “Bakit nana-nalo pa ang mag-aamang Estrada na ‘yan? Ang feeling nila matinong tao sila, may utang na loob ang tao sa pagkakahalal sa kanila. Dapat diyan sa mag-aama na ‘yan, sa mental hospital na ikulong.” <0948402….>

***

HUGO – “Durog na durog na ngayon si Jinggoy ‘langhap-sarap’, binulgar ng COA na hinihirit ni Denggoy na palitan ang Auditor ng Maynila at lumabas pa ngayon ang picture nila ni Napoles at Gregory Ong. Ano kaya ang masasabi dyan nila Jobert at Davila! Sabi pa ni Jobert, love of her life daw nya si Panday Pirma!” <0906700….>

***

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, tumawag o mag-text sa: 09174842180)

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *