Wednesday , November 13 2024

Contractor sa DA at DPWH ipaTatawag ng Senado

Nais ni Sen. JV Ejercito na palawigin pa ang im-bestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa pork barrel scam at ipa-tawag na rin ang ilang contractor sa Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highway (DPWH) na sinasabing nakakuha rin ng pondo mula sa Prioirty Development Assistance Fund (PDAF)  ng mga mambabatas.

Ayon sa senador mula sa San Juan, noong panahon ng dating Pangulong Arroyo ay doon nama-yagpag ang PDAF scam na ‘nakulimbat’ ang bil-yon-bilyong pera ng ba-yan.

Sinabi ni JV, na hihili-ngin niya kay Public Works Secretary Rogelio Singson ang mga naging transaksiyon sa DPWH ng isang Joseph Tan habang kay Agriculture Sec. Proceso Alcala ay ang mga kontratang pinasok ng isang Evelyn Miranda.

Ang dalawa ay ilan lamang sa gustong  ipa-tawag ni JV sa senado para lang malaman kung talaga bang napunta ang pondo ng ilang mambabatas sa tamang proyekto.

“Hindi naman siguro masama kung magtatanong kami sa kanila kung ginamit ba nang tama ‘yung PDAF ng isang mambabatas at hindi ‘yung pinaghatian lang nila,” pahayag ng senador.

Sa impormasyon ni JV, dating ordinaryong contractor lamang si Joseph at Evelyn pero nang makakuha ng kontrata sa gobyerno noong 2004 hanggang 2009 ay biglang lumobo ang kayamanan tulad ni Janet Lim Napoles.

Si Joseph ay sinasa-bing nakapagpatayo na ng multi-milyong mansion sa Santiago Isabela habang si Evelyn ay sa Cuyapo, Nueva Ecija.

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *