Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alyas Dennis BIR nagpakawala na naman ng sandamakmak na kwarta sa mga sabungan! (Attn: DoF Sec. Cesar Purisima)

00 Bulabugin JSY
AKALA natin ‘e namahinga na ang isang alyas DENNIS BIR sa ‘kakapalan ng mukha.’

Hindi pa pala…

Dahil nitong nakaraang Martes lang pumarada na naman sa PASIG SQUARE GARDEN si alyas Dennis BIR at may kasama pang isang bodyguard na ex-PBA player …

At nagpakawala ng tumataginting na P.1-M (P100,000) kada pusta.

Malupit ka talaga alyas DENNIS BIR. Parang galit na galit ka sa kwarta kapag inilalarga mo sa mga sabungan.

Kinabukasan hanggang Biyernes ‘e pumarada naman sa Angono, pagkatapos ay sa Antipolo at nitong huli ay sa Araneta.

Talaga namang SONABAGAN sa lakas pumarada sa sabungan.

BIR Comm. Kim Henares, parang hindi nauubos ang kwarta nitong si alyas Dennis BIR.

Saan kaya kumukuha ng sandamakmak na kwarta at kapal ng mukha ang higanteng tungao na si alyas Dennis BIR?!

Tsk tsk tsk …

Natutuwa tayo sa effort ng Department of Finance na linisin ang Bureau of Customs (BoC) sa abot ng kakakayahan nilang walisin ang mga inaakala nilang basura.

Pero, bakit tila maluwag sila sa BIR?!

BIR Deputy Commissioner ASPE alam mo ba kung saan NAG-IIGIB ng KWARTA si Dennis ‘tungao’ este BIR?!

Mukhang malakas ‘SUMALOK’ dahil napakagaling ‘MAGLUSTAY’ ng kwarta sa sabungan.

Paging Finance Department RIPS!

Paging Ombudsman!

ALYAS MC ‘HUMMER’ KINOPO NA ANG PAGKAKAKITAAN SA PASAY CITY HALL

MUKHANG matindi ang pangangailangan ng isang alyas MC HUMMER d’yan sa Pasay City.

Kung dati ay pumapayag siyang 60-40 ang ganansiya sa mga kontratang pagawain at supplies, ngayon ay hindi na.

Hindi na siya pumayag na magkaroon pa ng kahati.

SOLO FLIGHT na siya ngayon sa kontrata ng supplies sa City Hall at ayaw na niyang meron pa siyang kahati.

Ganyan katindi ang kanyang pangangailangan.

‘Yan daw si alyas MC HUMMER ay isa sa matitikas na miyembro ng KAMAGANAK ‘BUWAYA’ INC., dahil malapit na malapit siya sa ‘KUSINA.’

Pero may kasabihan, ang ‘KUMITA sa BUKULAN,’ parang ‘PIGSANG’ pumuputok sa kabahuan.

In short, lahat ng KINITA sa pambubukol ay ‘NAHUHUROT’ din sa masamang paraan.

Kaya nga ‘yang si MC HUMMER, matapos magpatalo nang MILYON-MILYON sa CASINO ‘e sa mga SABUNGAN naman ngayon SUMASALIDA.

Milyones din kung PUMARADA at PUMUSTA.

SONABAGAN!!!

Sabi nga ng mga Pasayeño, kaawa-awa na silang TUNAY.

Ang ibinabayad nilang BUWIS ay napupunta lang sa bulsa at kaluhuan ng KAMAGANAK INC.

Kung si BING LINTEKSON ‘e KINOPO ang mga kontrata sa Engineering department … ‘yang si alyas MC HUMMER naman ay kinopo ang mga PAYOLA sa Illegal terminal, kolorum, KTV bar/clubs, at 1602 ngayon pati KONTRATA at SUPPLIES ‘e kanya na rin.

Isa nang ganap na BAYANG SAWI ang Pasay.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …