Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aldred, napag-iwanan na ni Gerald nang milya-milya (Dahil sa pagiging malamya kaya ‘di mai-build-up)

KASABAYAN sa showbiz ni Gerald Anderson si Aldred Gatchalian. Pareho silang produkto ng Pinoy Big Brother Season 1. Pero ang layo na ng agwat ng una sa huli in terms of popularity. Sikat na sikat na ngayon si Gerald. Nagbibida siya sa mga serye at pelikula. Samantalang si Aldred hanggang ngayon ay lagi na lang suporta sa mga bida sa serye at pelikula. Never pa talaga siyang nagbida sa anumang proyekto.

Kung tutuusin, gaya ni Gerald ay guwapo rin si Aldred at marunong din namang umarte. Pero hindi naman siya gaanong bini-build-up ng Dos. Siguro napapansin nila na hindi gaanong malakas ang dating ni Aldred sa publiko at fans dahil sa pagiging malamya nito.

Natsismis nga siya noon na member siya ng federacion ‘di ba? Pero ayon naman sa kanya ay hindi raw. Sigurado siya sa sarili niya na lalaki siya. Sabagay, may mga lalaki naman talaga na malamya kung kumilos, ‘di ba? Pero sa tingin namin, ‘yun ang hindrance kung bakit nga hindi umaangat ang career ni Aldred.

Cristine, aware sa kumakalat nilang umano’y sex video ni Rayver

AYON kay Rayver Cruz, walang katotohanan ang balitang lumalabas na umano’y may kumakalat silang sex video ng dating girlfriend na siCristine Reyes. Nang may mag-text nga raw sa kanya tungkol dito ay hindi niya na lang pinansin. Hindi raw siya apektado dahil wala naman daw talaga silang sex video ni Cristine. Kung mayroon daw dapat ay nailagay na ‘yun sa kanyang  Facebook at nakita raw niya.

At kahit kay Cristine ay may nagparating na rin daw thru text ng tungkol sa sinasabing sex video nila. Pero tinawanan lang daw nila ang isyung ito sa kanila. Siguro raw ay may mga taong gusto lang silang sirain ni Cristine kaya gginagawan daw sila ng isyu ng mga ito.

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …