KAHILA-HILAKBOT ang pagkamatay ng apat katao sa sunog na naganap sa isang lumang bahay sa Fernandez St., Sta. Cruz, Maynila nitong Lunes ng umaga.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, ang sabi, kaya mabilis na kumalat ang apoy ‘e dahil gawa umano sa light materials at luma na ang bahay.
Kaya hindi na raw nakalabas ang apat na biktima ay dahil napakabilis umano ng pagkalat ng apoy.
Pero iba po ang nakalap na impormasyon ng inyong lingkod.
Totoong mabilis na kumalat ang apoy, pero hindi lang dahil gawa sa light materials ang bahay kundi ‘IMBAKAN’ pala ‘yan ng paputok.
Imbakan ng paputok na pag-aari ng isang barangay chairman.
Ayon sa mga nakasaksi, mabilis nga raw na binomba ang mga kwitis dahil baka magliparan pa at mahawa pa ang ibang buildings at establisyemento.
Ang masaklap pa, kung sino ‘yung nakatulong para agad maapula ang nasabing sunog ay ginagawan pa ng tsismis-politika.
Kaya raw namatay ang mga biktima ‘e dahil binomba ng ‘TUBIG’ noong kumakaway sa nakakandadong bintana para humingi ng saklolo.
Dahil sa pangyayaring ito, nangangamba ngayon ang mga residente at business establishments sa Sta. Cruz, Binondo at Tondo area na hindi malayong maulit ang nasabing pangyayari lalo na nga’t nalalapit na naman ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Pero ang higit na nakapangangamba rito ‘e ‘yung usapin na kung sino pa ang opisyal ng lokal na pamahalaan ‘e siya pang gumagawa ng illegal na pag-iimbak ng mga paputok.
Kung hindi magkakaroon ng masusing pagsubaybay o pagmo-monitor sa mga establishment, bodega o residensiya sa nasabing lugar hindi malayong maulit ang kagayang sunog na nagbuwis ng maraming buhay.
By the way Chairman Norma Morales, kilala mo ba kung sino ‘yang barangay chairman na may imbakan ng paputok d’yan sa area na ‘yan?!
Aba ‘e concern lang tayo sa negosyo ninyo Chairman dahil ilang beses na rin akong nakabili ng paputok d’yan sa tindahan mo …
Ingat-ingat Chairman.
Pero balik po tayo sa nasunog na ‘bodega ng paputok.’
Dapat imbestigahan maigi ng mga Arson investigator ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng Manila Police District – Homicide Section (MPD-HS) ang nasabing insidente ng sunog dahil naniniwala po tayo at ang mga residente sa nasabing lugar na mayroong dapat managot sa nasabing sunog at sa pagkamatay ng apat na biktima.
Paging BFP! Paging Manila police Homicide Section!
CELEBRITY DOCTOR, AT PRODUCT ENDORSER MAGINOONG TINGNAN PERO BASTOS AT NANG-AAPI NG BABAE SA TUNAY NA BUHAY?
HANGGANG ngayon po ay naghihintay tayo ng sagot mula kay celebrity doctor and product endorser Dr. Gary Sy, na inireklamong nambugbog at nanloko ng kanyang live-in partner at lumabas sa ating pahayagan.
Mukha kasing nag-HIBERNATE si Doc at hindi natin makontak para kunin ang kanyang panig.
Anyway, talaga namang nadesmaya tayo nang husto kasi kung magpayo ‘yang si Dr. Gary Sy sa kanyang programa sa telebisyon ‘e parang napakataas ng kanyang kredibilidad at parang hindi gagawa ng ano mang klase ng kaaliwaswasan sa buhay.
Pero batay sa sinumpaang salaysay at reklamo ng kanyang live-in partner sa loob ng dalawang taon na si Nikki Lyn Upfold, 28 anyos, dumanas siya ng pananakit mula sa doctor hanggang iniuumpog na ni Sy ang kanyang ulo sa cabinet at sa pader.
Lumala pa umano ito nang matuklasan niyang nabuntis ni Sy ang isa niyang ‘kalaguyo.’
Ayon pa kay Unfold, nagawa pang pekein ni Sy ang kanyang pirma para mai-withdraw umano sa banko ang mahigit kalahating milyon niyang ipon.
Tsk tsk tsk …
Ibang-iba pala talaga si Dr. Sy sa totoong buhay. Mainitin ang ulo at mukhang HIGH BLOOD?!
Akala ko ba Doc, e nasa DUGO lang ‘yan?!
Hindi ba ‘napalamig’ ng CIRCULAN ang init ng iyong ulo?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com