SANDAMAKMAK na perhuwisyo ang nararanasan ngayon ng mga taga-Pasay City.
Marami kasing puta-putaking pagawaing bayan d’yan sa Pasay City na ang tipo ng pagtatrabaho ay “now you see, now you don’t” ang mga trabahador.
Ilang halimbawa nito ay ‘yun sa F.B. Harrison lampas lang ng Libertad St., sa Buendia, sa Protacio at doon sa bago dumating sa EDSA.
Hanggang ngayon ay nakatiwangwang at nakadaragdag pa sa nagiging sanhi ng masikip na trapiko.
Ang halaga ng mga pagawaing bayan na ‘yan ay tig-P60 milyones na ang nakakuha ng kontrta ay isang contractor na kung tawagin ay Boy Chico at ang pamoso at namumunining si Bing ‘lantiawbin’ Lintekson.
T’yak na t’yak kumita na naman d’yan ang KAMAGANAK Inc.
Ang ipinagtataka ng mga Pasayeño, kung bakit hindi matapos-tapos ang mga proyektong ito gayong maiikling kalsada lang ‘yan.
Simula raw nang simulan ang mga proyektong ‘yan ay mas mahaba pa ang panahong nakatengga kaysa pinatatrabaho ng mga trabahador ng kontratista.
Anyareee Boy Chico?!
Bakit hindi mo matapos-tapos ‘yang kontrata?!
Naubos na ba ang nasingil mo kaya hindi mo na matapos-tapos?!
Pasay City Engineering Office chief, Engr. EDWIN JAVALUYAS, ang lapit lang sa Pasay City hall ng mga pagawaing bayan na ‘yan, hindi mo ba napapansin na TENGANG-TENGA na ang mga project na ‘yan!
Imbestigahan na ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com