Sunday , December 22 2024

P60-M Pasay City road repair project imbestigahan!

00 Bulabugin JSY
SANDAMAKMAK na perhuwisyo ang nararanasan ngayon ng mga taga-Pasay City.

Marami kasing puta-putaking pagawaing bayan d’yan sa Pasay City na ang tipo ng pagtatrabaho ay “now you see, now you don’t” ang mga trabahador.

Ilang halimbawa nito ay ‘yun sa F.B. Harrison lampas lang ng Libertad St., sa Buendia, sa Protacio at doon sa bago dumating sa EDSA.

Hanggang ngayon ay nakatiwangwang at nakadaragdag pa sa nagiging sanhi ng masikip na trapiko.

Ang halaga ng mga pagawaing bayan na ‘yan ay tig-P60  milyones na ang nakakuha ng kontrta ay isang contractor na kung tawagin ay Boy Chico at ang pamoso at namumunining si Bing ‘lantiawbin’ Lintekson.

T’yak na t’yak kumita na naman d’yan ang KAMAGANAK Inc.

Ang ipinagtataka ng mga Pasayeño, kung bakit hindi matapos-tapos ang mga proyektong ito gayong maiikling kalsada lang ‘yan.

Simula raw nang simulan ang mga proyektong ‘yan ay mas mahaba pa ang panahong nakatengga kaysa pinatatrabaho ng mga trabahador ng kontratista.

Anyareee Boy Chico?!

Bakit hindi mo matapos-tapos ‘yang kontrata?!

Naubos na ba ang nasingil mo kaya hindi mo na matapos-tapos?!

Pasay City Engineering Office chief, Engr. EDWIN JAVALUYAS, ang lapit lang sa Pasay City hall ng mga pagawaing bayan na ‘yan, hindi mo ba napapansin na TENGANG-TENGA na ang mga project na ‘yan!

Imbestigahan na ‘yan!

PASAY CITY SCHOOL BUILDING HANDOG NG PAGCOR

KAMAKAILAN ay isinagawa ang ground breaking ceremony para sa pagtatayo ng bagong 24-classroom, four-storey building sa Pasay City East High School. Ang nasabing proyekto – na nagkakahalaga ng 50 milyong piso – ay magkatuwang na ipinapagawa ng PAGCOR at Travellers International. Higit sa isang libong mag-aaral ng Pasay City East High School ang direktang makikinabang sa bagong school building.

Ang Travellers International ay licensee ng PAGCOR sa Entertainment City at operator ng Resorts World Manila. Ayon kay Resorts World president Kingson Sian, ang kanilang tulong sa school building project ng PAGCOR ay bahagi ng kanilang layunin na makatulong sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa bansa na pangunahing adhikain ng PAGCOR.

Samantala, nitong Agosto 13 ay umabot na sa 455 na bagong classrooms sa 125 sites ang naipatayo ng PAGCOR sa ilalim ng “Matuwid na Daan sa Silid-Aralan” project. Patuloy pa rin ang konstruksyon ng may 471 classrooms sa 112 public schools at Gawad Kalinga centers. Sumatotal, tatlong bilyong piso ang inilaan ng PAGCOR sa kanilang proyektong pampaaralan.

ANG ‘PAUTOT’ ESTE ANG PASABOG NI SEN. JINGGOY

AAMININ ng inyong lingkod na inabangan ko ang ‘PASABOG’ kuno ni Senator Jinggoy Estrada sa kanyang privilege spits ‘este’ speech sa Senado kamakalawa…

Akala ko nga ‘e isang malaking ‘BOMBA’ ang kanyang pasasabugin pero nagkamali ako …

Ang ‘pasabog’ na sinasabi ay isa palang SUPOT este ‘SUNGAW.’

Sa totoo lang, ang naging layunin lang ni Denggoy este Jinggoy ‘e para maghanap lang ng DAMAY ..

‘Yung tipong kapag nahuli ng kanyang nanay na gumawa ng katarantaduhan ‘e biglang ituturo ang utol niya.

Tsk tsk tsk …

At isa pang sa totoo lang, hindi pa nga siya nangangalahati sa kanyang spits ‘este’ speech ‘e nakatulog na talaga ako.

Walang kalaman-laman at lalong walang sustansiya ang kanyang mga pinagsasasabi. Ni hindi nga niya nasagot ang mga alegasyon sa kanya.

Ang haba-haba ‘e SUPOT pala!

Ang kanyang itsura ay lumabas na tila isang batang nag-i-emote, nagdadrama, nagpapaawa para makakuha ng simpatiya.

‘Yun bang tipong magkakasabwat sila at nang mahuli siya ay agad itinuga ang mga kasamahan.

In short, IYAKIN!

Pati tuloy si JOLLIBEE nadamay …

Bwahahahaha!

Senator Denggoy este Jinggoy, may kasabihan: “LESS TALK, LESS MISTAKE.”

NAMUMUNINI SI KA ALLAN ASPILET, ANG BAGMAN NG PNP-PASAY CITY

ISA pang kagila-gilalas na nilalang na nakabase d’yan sa Pasay City ang gusto nating ipakilala kay NCRPO chief, Gen. Marcelo Garbo, Jr., – siya ay walang iba kundi si alyas kapatid ALLAN ASPILET.

Si ALLAN ASPILET ang nagpapakilalang ‘BAGMAN’ ng PNP Pasay City.

Mula club, illegal terminal at iba pang illegal vices … name it, basta pwedeng tarahan t’yak dadayuhin ni ALLAN ASPILET.

Ang tanong natin, kilala kaya siya ng KAMAGANAK INC.?

Pasay City chief of police, Sr. Supt. Rodolfo Llorca, sa iyo ba nagre-REMIT si KAPATID ALLAN ASPILET?

Nakararating ba sa iyo ang mga PARATING?!
O baka naman, NABUBUKULAN ka lang?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *