Thursday , November 14 2024

‘Wag samantalahin ang issue!

You prepare a table before me in the presence of my enemies. You anoint my head with oil; my cup overflows. — Psalm 23:5

MALAKING pinsala na ang inabot ng mga residente ng Zamboanga City sa patuloy na giyera na nagaganap doon.

Mahigit dalawang Linggo na ang sagupaan ng mga militar at mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari faction group.

Mga labanang kapwa Filipino ang nagpapatayan!

***

HINDI rin biro ang mga nagbuwis ng buhay sa labanan. Sa huling talaan ng militar, mahigit 104 MNLF rebels ang napaslang sa labanan, habang 15 sundalo’t pulis ang napatay at may 5 sibilyan ang casualties.

Umaabot sa P100 bilyon naman ang nawala sa ekonomiya ng Zamboanga City. Mahigit 20,000 residente na ang pansamantala inilikas dahil sa patuloy na putukan sa kanilang lugar. Pero, higit na kaawa-awa ang mga bata, na wala naman kinalaman sa gulo na direktang apektado.

Dahil tuloy pa rin ang giyera sa Zamboanga City!

***

SA Senado naman, tapos na ang ‘giyera’ sa usapin ng P10B pork barrel scamna kinasasangkutan ni Janet Lim-Napoles.

Ito’y matapos hindi pumayag si Senate President Franklin Drillon na padaluhin pa sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee si Napoles dahil sa umano’y may nakasampa nang kaso sa Office of the Ombudsman.

***

ANG katwiran din ito ang inihain ni Justice Secretary Laila de Lima kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Teofisto Guingona III kaya hindi pinadalo ang wishtleblower na si Benhur Luy nitong Martes.

Ganoon din ang pananaw ni Ombudsman Conchita Morales-Carpio na nasa kanilang hurisdiksyon na ang kaso at hindi na maaaring galawin ng Senado.

***

MAPUPUNARDA tuloy ang inaasam ng publiko na malaman ang katotohanan sa likod ng bilyon-bilyong pisong pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Dahil si Sen. Drilon, bilang Senate President, ang tanging may kapangyarihan na lumagda sa mga subpoena sa mga personalidad na iniimbitahan sa mga imbestigasyon sa Senado.

***

BABAHO ngayon ang imahe ng Senado. Maaaring sabihin pinagtatakpan nila ang kanilang mga kasamahan na isinasangkot sa eskandalo ng pork barrel.

Idagdag pa rito ang nabuko na may ilang kuhang retrato kay Sen. Drilon sa ilang mga okasyon na kasama si Napoles. Mga nagpapatunay na matagal nang katransaksyon ng mga senador si Napoles.

Si Sen. Drilon ay kaalyado ng ating Pangulong Pnoy

***

KAYA tiyak ang sisi ng publiko dito kay Pangulong Pnoy. Mga kaalyado niya mismo ang pumipigil na mabuklat ang katotohanan.

May natitira pang tatlong taon ang administrasyon ni Pnoy, pero tila hindi naman naitutuwid ang daan, ang landas na matuwid ay bumabaluktot,  dahil sa sari-sari ang eskandalo na bumabalot sa ating bansa.

SENADOR JINGGOY,

PRIVILEGE SPEECH

KAHAPON nagsalita sa isang privilege speech si Senador Jinggoy Estrada at itinanggi niya ang mga paratang laban sa kanya kaugnay sa deskripsyon ng whistleblower na si Benhur Luy na may isang senador na ang code name ay “sexy” na tumutukoy sa kanya na naglaan ng milyon-milyong pisong pork barrel sa pekeng NGOs ni Napoles.

Binira niya ang Commission on Audit (COA) dahil nauna pang inilathala sa media ang kanilang audit report sa pork barrel. Dahil sa pangyayari ay napakasakit umano sa kanila na nahuhusgahan agad sila ng publiko dahil sa mga lumalabas sa media.

***

BINANGGIT  niya ang  ‘audit report” na ginawa ng COA sa mga kapartido ni Pnoy na kaduda-duda, kompara sa “special audit report” na ginawa sa kanilang mga taga-oposisyon (Enrile, Revilla, Honasan at Estrada)

Aniya, malinaw na ginigipit ni COA Chairperson Grace Pulido – Tan ang mga taga-oposisyon na isang malaking kuwestyon na dapat malaman ng publiko kung ano ang nasa likod nito. (Habang isinusulat natin ang kolum na ito ay on-going ang privilege speech ni Sen. Jinggoy sa Senado)

***

SA gana ng inyong Lingkod,  huwag sana samantalahin ng ilang sektor upang lalong paguluhin pa ang sitwasyon. Sa mga umiikot na balitang kudeta mula sa hanay ng militar ay hindi sana magkatotoo.

Lalo lamang malulugmok ang bansa sa mga ganitong hakbangin. Okey lang ang mag-rali sa lansangan, ‘wag lang  dumanak ng dugo sa daan.

Sana sumang-ayon ang ating mga Kabarangay sa mapayapang solusyon!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 09323214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *