Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tindero ng ukay patay sa saksak (Ina ng namamalimos sinermonan)

Patay ang isang tindero ng ukay-ukay matapos sawayin ang batang namamalimos sa kanya sa Paco, Maynila, kahapon.

Kinilala ang biktimang si Ramon Camotiao, 26, mula sa Imugan, Sta. Fe, Nueva Vizcaya, pansamantalang nanunuluyan sa pinagtatrabahuang RTW Surplus Center sa Casa Pension Compound, Pedro Gil St., corner Leon Guinto St., Paco, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya at pahayag ng mga testigo na sina Michael Petonio at Rodrigo Cruz, ala-una ng madaling araw nang makarinig ng ingay ang biktima sa gate ng kanyang pinagtatrabahuan kaya lumabas siya para tingnan at sawayin.

Nagulat si Camotiao na isang bata ang kumakalampag sa kanilang gate upang manghingi ng limang piso. Imbes big-yan ng limos ang bata, ibinaling ang kanyang pansin sa buntis na ina para pagalitan sa uma-no’y pagtuturo ng pamamalimos sa disoras ng gabi.

Narinig ng isang alyas Joker at dalawa pang kasamahan ang diskusyon ng ina at ng biktima kaya nakisali sa usapan ang mga lalaki na nagpainit ng ulo ng magkabilang panig.

Umalis si Joker kasama ang mag-ina at dalawang lalaking kaibigan habang nanatili ang biktima sa labas upang kumain ng balut. Matapos ang ilang sandali, bumalik ang suspek dala ang isang kutsilyo saka pinagsasaksak ang biktima sa kanyang likuran. Tumakbo palayo sa insidente ang suspek kasama ang dalawang kaibi-gan. Tinangka umanong habulin ni Camotiao ang mga sumaksak sa kanya ngunit bumulagta na siya sa kalsada.

(ROCELLE TANGI)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …