Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serial killer ng GROs arestado

Kulong
KILLER NG MGA POKPOK. Bagsak sa mga tauhan ng MPD-Homicide Section si Joseph Labrador, 28, tinaguriang “serial killer” ng mga pokpok sa Avenida, makaraan pagsasaksakin hanggang napatay ang isang pick-up girl sa loob ng Carport Inn sa Sta. Cruz, Maynila. (BONG SON)

KALABOSO sa mga tauhan ng Manila Police District Homicide Section ang suspek sa pagpatay sa isang babae sa loob ng isang motel sa Sta. Cruz, Maynila, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ni SPO3 Glenzor Vallejo ang suspek na si Joseph Labrador, 28, tubong Pangasinan, na naaresto matapos matunton sa isang bus terminal sa Sta. Cruz, Maynila pa-puntang La Union.

Itinuro ang suspek ng dalawang babaeng testigo nang makita nila ang suspek sa nasa-bing terminal.

Ayon sa testigong si ‘May,’ naging customer niya rin ang suspek at sinaktan umano siya at maging ang isa niyang kakilala na naging customer din ang suspek.

Inilahad naman ng isa pang testigong si “Jane,”  ang suspek ang huling kasama ng biktima na si Shiela Halili, 29-anyos.

Si Halili ay natagpuang patay at hubo’t hubad sa loob ng banyo  ng isang kwarto sa Carport Inn, sa Sta Cruz, Maynila.

Pinipigilan ngayon sa MPD ang suspek na posibleng makasuhan ng murder.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …