Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

SBC puntirya ang top 2

SURE ball na ang defending champions San Beda College Red Lions sa Final Four subalit mahalaga pa rin ang natitirang laro dahil hinahabol nila ang top two sa pagtatapos ng eliminations round upang sakmalin ang twice-to-beat incentives.

Solo sa tuktok ang Red Lions sagpang ang 11-2 card habang nasa pangalawa ang Perpetual Help Altas na may 11-3 win-loss slate at 10-3 ang karta ng Letran Knights na nasa tersero puwesto ng team standings.

Ibibigay ang twice-to-beat advantage sa top two finishers kaya naman malaking bagay ang bawat panalo habang papalapit ang pagtatapos ng 89th season ng NCAA senior men’s basketball tournament.

Alas 6 ngayong gabi sa The Arena, San Juan ay paniguradong magiging mahigpit ang labanan ng Red Lions at Altas dahil sa kanilang puntirya.

Lumapa ng four-game winning streak ang San Beda habang kumadena ng tatlong panalo ang Altas.

Impresibo ang huling panalo ng Mendiola-based SBC laban sa College of Saint Benilde Blazers, 65-46 habang pahirapan ang huling tatlong panalo ng Perpetual.

Pinaluhod ng Perpetual ang Blazers, 68-64, sinunod ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 64-61 at pagkatapos ay ang mahinang team na Mapua Cardinals ang kinaldag, 73-65.

Samantala, sa unang laro na mag-uumpisa ng 4 ng hapon maghaharap ang Pirates at Generals.

Manipis na ang tsansa ng LPU at EAC na sumampa sa semifinals subalit maaari pa silang magbakasakali dahil may limang laro pa silang nalalabi.

Tangan ng Generals ang pang-limang puwesto sa kartang 6-7 win-loss slate habang kasalo ng Lyceum ang Arellano University Chiefs sa eighth to ninth place hawak ang 4-9 card.

May 5-7 baraha ang JRU at 5-8 ang host CSB habang lubog sa ilalim ang Cardinals kalong ang 1-12 card. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …