Thursday , November 14 2024

PHILRACOM stakes races at ang hulidap raid ng Manila City Hall

Sa darating na araw ng Linggo, Setyembre 29, 2013 ay malalaking karera ang lalarga sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Unang aarangkada ang 2013 Philracom 3rd leg Juvenile Fillies Stakes. Walong runners ang tatakbo rito na tangkang pag-agawan ang top prize na P600,000

Lalahok sina  Great Care, KukurukukuPaloma, Move On, Native Gift, Priceless Joy, Pure Enjoyment, Roman Charm at Up ang Away.

Lalarga rin sa araw na iyon ang 3rd Leg Juvenile Colts Stakes na may pitong nominado na kinabibilangan ng KulitBulilit, Lucky Man, MatangTubig, Mr. Bond, Proud Papa, River Mist at Young Turk.

May nakalaang top prize na P600,000 ang matatanggap ng magkakampeon kung saan pitong kalahok ay tatakbo sa distansiyang 1,400 meters.

oOo

Ang 12th Don Juan Derby na gagawin sa Oktubre 27 at  iaalay ito kay Chairman Emeritus Don Antonio Floirendo , Sr. ng Klub Don Juan de Manila.

Maraming naitulong si Don Floirendo,Sr. sa KDJM bago ito pumanaw. Hindi malilimutan ng mga opisyal at miyembro ang malaking naibahagi nito sa horse industry sa bansa.

Ang 12th Don Juan Derby ay tatampukan ng Golden Girls Stakes, Don Juan Juvenile Colts at Don Juan Juvenile Fillies.

CITY HALL RAID

SA KTC CLUB,

PINIPITSA?

Nagsagawa ng inspeksiyon o raid ang ilang tauhan ng Manila City Hall sa mga Karaoke Bar and Restaurant sa Malate.

Dalawa o tatlong Club Karaoke Bar and Restaurant ang pinasok ng “MASA Raiding team” at ang babae na walang lisensiya o “working permit” ay dinala sa City hall “for verification daw.”

Iyon isang Club karaoke Bar and restaurant na sinara sa dahilang wala raw itong “Permit to Operate” ay nag-operate din ng gabing ipasara ito.

Ano ang dahilan at nakapagbukas agad itong club ng gabing iyon? May malaking “Cashsunduan” bang nangyari?

Hindi ba dapat ay  may ipinapakita na “search warrant”  ang raiding team kung ang mga ito ay papasok sa isang establishment?

At dapat na nakauniporme ang mga pulis na kasama ng raiding team di po ba, Gen. Isagani Genabe?

Sino naman itong isang “Hapon” na may pangalan na hawig sa salitang “SUGAPA?”

ni FREDDIE M.

MAÑALAC

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *