Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Patuloy nating ipagdasal si Randy

Sa darating na Linggo ay idaraos na sa pista ng SLLP ang ikatlong yugto ng “Juvenile Stakes Races” para sa magkahiwalay na grupo ng kalalakihan at kababaihan na may edad na dalawang taong gulang.

Ang mga pinaleng naideklara sa grupo ng mga kalalakihan ay sina Kulit Bulilit, Lucky Man, Matang Tubig, Mr. Bond, Proud Papa, River Mist at Young Turk. Sa mga kababaihan naman ay sina Kukurukuku Paloma, Move On, Priceless Joy, Pure Enjoyment, Roman Charm at Up And Away.

Ang dalawang makalaking pakarerang iyan ay parehong lalargahan sa distansiyang 1,400 meters at may nakalaan na primera premyo na nagkakahalaga ng P 600,000.00 bilang groseng premyo.

Sa pagkakataong ito ay nais kong hilingin na samahan po ninyo ng  panalangin si jockey Randy L. Lagrata na patuloy pa ring nakikipaglaban sa nangyaring insidente sa kanya nitong nakaraang linggo, na kung saan ay nalaglag siya sa kabayo.

Pero base sa impormasyon mula sa kanyang Facebook account  ay may improvement naman. Magkagayon man ay patuloy nating ipagdasal na gumaling na si Randy. Diyos Mabalos.

Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …