Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging Razonable ni Biazon

MAY two weeks na ngayon, naglabas si Commissioner Biazon ng isang memo circular na kanyang iniutos ang “return to mother ports” at pagbawi (revocation) ng mga designation orders na tinamaan ang mga (acting officer) at mga OIC (officer in charge).

Ang ikinagulat ng mga opisyales ay hindi si-nabi sa nasabing memo circular kung sino ang mga papalit na mga pinuno halimbawa ng division, section at unit na acting capacity. Kumbaga sa isang council walang hepe at hindi kaagad alam kung ang ipapalit ay handa nang gampanan ang iiwanang opisina ng hepe. Kulang sa transition na at least isang buwan bago sa turnover.

Ito ang depekto ng paglalagay ng mga “acting” at OIC sa mga sensitibong puwesto nang ma-tagal na kung susuriin ay violation ng Civil Service rules. Pero ganito raw ang kalakaran sa gobyerno. Kahit na inaamag na si kulas  or si kulasa bilang acting or OIC. Sabi kasi ng mga taga-personnel division, wala naman sumisita. Sa totoo lang, ang mga puwesto na acting or OIC masabaw ‘ika nga. Sila ay dapat maupo na real holder ng item. Pero  hindi kasi sila malakas sa pinuno, hayan tiis na lang sila habang naglalaway sila sa ibang puesto na hindi rin sa kanila.

Ito, sa memo circular na ipinalabas ni Commissioner Biazon, marahil nagulat siya dahil labis sa dami ang mga acting capacity at OIC. Palakasan system kaya. Handiyan ang mga pesteng politiko na tatawagan halimbawa si Biazon na isa rin dating politiko … politika.

Pero agad nakita ni Commissioner Biazon ang disruption or perhuwisyong idudulot ng kanyang memo na “return to mother ports.” Marami palang naka-destino sa Maynila sa POM, MICP or NAIA na may item na nasa parting Bisaya o Mindanao. Papa-ano bang nangyari ito?  Halimbawa i-yong nabakante na item ng collector IV susunggaban ng isang taga-Maynila kahit doon pa ‘yun sa Mindanao. Ang ope-randi na ito ay kukunin iyong item ng Collector IV kahit sa Mindanao, mag-a-assume si kulas or si kulasa at pagkatapos balik sa Maynila. Kaya iyong kanyang tunay na puwesto sa Mindanao uupuan ng isang acting or OIC. Sa BIR wala raw OIC or acting capacity ‘di tulad ng customs na namumulaklak sa nasabing pwesto. Wala naman kasing datung sa Mindanao o kaya sa Bisaya, hindi gaya sa Maynila na nagbulto ang kargamento ng sindikato.

Nakita naman ni Commissioner na kung kanyang bibiglain ang “return to mother ports at revocation orders” seguradong bibigay ang mga importanteng activity sa MICP, NAIA at POM, o sa Cebu, etc. Kaya naman ang ginagawa ni Commissioner iyong mga opisina nama’y essential functions tulad ng Icare, X-Ray, ang Port of Su-bic, at iba pang inatasan niya na status quo. Ibig sabihin hindi gagalawin ni isang personnel sa kanila habang inuunti-unti ang pagpapatupad ng memo circular. Magandang move ito. Mabuti rin at open si Commissioner.

Lumutang naman ang pangalan ni “WONDERING JEW” Reynaldo Nicolas, customs deputy commissioner, matapos kumalat ang balita na papalagan lahat ang mga deputy commissioner. Si Nicolas ay isang career executive, bar topnotcher at talagang very strong candidate for commissioner. Pero tila bad shot siya sa mga pinuno tulad ni Executive Secretary Ochoa, Finance Sectretary Purisima at Biazon kaya’t grounded pa rin na halos two years na. Nalinis na niya ang kaso niya sa Ombudsman, may go signal na siya mula sa Civil Service at ikinompirma ng opisina ni Ochoa. Pero tila wala siyang pag-asang makapasok kahit pa yata tuluyang sibakin ang lahat ng deputy commissioner.

Tingnan natin ang hakbang na gagawin ni Nicolas.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …