MAKIKITA sa larawan ang nademolish na ang isang mosque sa Baclaran at Pasay na mapayapa naman na giniba ang nasabing mosque at walang tensyon na naganap dahil sa nagkaroon ng kasunduan ang moslem elder,both local,international at ang President ng Rajah Sulayman Lumba Ranao Mosque at Cultural Center Inc.na ang President ay si Abdelmanan D.Tanandato na malipat ito,na kung saan ito ay tatayuan ng isang establisemento na kilalang super mart sa area ng Macapagal sa lungsod ng Pasay. (JIMMY HAO)
ILANG kabahayan ng informal settlers kabilang ang isang Mosque ang giniba sa isinagawang demolisyon kahapon ng madaling araw sa Baclaran, Paranañque City.
Pasado 1:00 am, nasopresa ang mga residente nang biglang lumusob ang security guards pati na ang demolition team at mabilis na pinagwawasak ang kanilang tahanan maging ang Mosque.
Walang nasaktan sa demolisyon at hindi umano nanlaban ang mga naninirahan dahil sa ipinatupad na seguridad ng mga awtoridad.
Napag-alaman na ang nasabing malawak na lupain ay nabili na umano ng pribadong ahensiya upang tayuan ng ng mga establisyemento.
Sinabi ni kagawad Omar Sarif, nagulat sila sa biglaang pangyayari at wala siyang alam na nagkaroon ng bayaran sa ilang informal settlers.
Nabatid na ilang taon nang pinagtangkaang i-demolish ang nasabing lugar pero hindi matuloy-tuloy dahil napipigilan ng mga residente.
(MANNY ALCALA)