Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Komedyante pala si Denggoy Estrada

Ilang dating malalapit na kaibigan po natin sa Armed Forces of the Philippines ang humahalakhak sa KARMANG inaabot ngayon ni Sen. Jinggoy “Sexy” Estrada, lalo na ‘yung mga minsang nakasama ng yumaong si Gen. Angelo Reyes.

Matatandaang kinitil ni Reyes ang sariling buhay noong Pebrero 7, 2011 sa kalagitnaan ng imbestigasyon noon ng senado sa “pabaon” at “pasalubong” issue sa AFP. Tandang-tanda ko rin kung paano hiyain nga HONORABLE SENATONG si Reyes sa media bilang PUBLICITY STUNT ni Denggoy. Diyan kasi siya magaling dahil artista. Umarte sa aharp ng Camera. Noon akala mo kung sinong santo kung umasta si SenaTONG PDAF. Hayp kung manlait, manlibak at manghiya ng mga umano’y mga Heneral na nagpasasa sa Intelligence Funds ng AFP. Maghirap po talagang i-account ang Intel Funds kaya’t para makaiwas sa anomalya, dapat lang itong alisin o i-regulate.

Ayon sa mga malalapit kay Reyes, isang istrikto at diretsong tao ang dating opisyal. Malaki ang pagtingin nito sa KARANGALAN. Bagay na wala ang mga senaTONG at TONGresman na sangkot sa PDAF scam gaya ni Denggoy.

At kahapon, muling humarap sa Camera si Estrada para ihayag ang kaniyang DRAMA ANTHOLOGY na wala namang laman kundi HANGIN. Utot.

Sinabi pa nitong BOMBA daw ang isisiwalat eh mas malakas pa ang putok ng kili-kili ni Jante Lim-Napoles sa mga pinagsasabiniya.

Muli. Malalakas na tawa at halakhak ang reaksiyon ng mga dating kasama ni Reyes. Paano daw ba kung buhay si Reyes ngayon? Sa aking palagay, hindi nito pagtatawanan si Denggoy. Bagkus ito ay kakaawaan. Dahil akal niya makakalusot na siya sa ginawang kabulastugan noon pero ngayon IDINADAMAY NA LAHAT NG MAGNANAKAW SA TONGRESO. Malinaw na sinasabi niyang HINDI LANG AKO, MGA IPOKRITO KAYO! Sama-sama tayo dito dahil sama-sama tayo sa pandarambong. Ganun ba ‘yun, HONORABLE SENATOR?

Well, halos antukin na kaming nakikinig sa PRIVILEGED SPEECH niya na walang laman kundi puro patutsada.

Ginagawa pa niya tayong mga TANGA at BOBO! Bakit daw sila lang ang idinidiin? Selective kuno. Politika kuno ang nasa likod nito.

Hoy! Denggoy, kayo kasi ang itinuturo nina Benhur Luy at iba pang WHISTLEBLOWER sa PORK BARREL SCAM. ‘Yung mga idinadamay mo eh hindi pa lumalatanda ang mga witness laban sa kanila.

Sa madaling salita, huwag ka na pong magtaka at dumada. Ang isda sa BIBIG NAHUHULI.

Sana sa susunod diretso na kayo nina Manong “Happy ka kay Gigi” Enrile at Bong “Amazing pork barrel scam” Revilla sa BILIBID.

Dun kayo magbolahan!

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …