Thursday , November 14 2024

House Bill 456 ni Rep. Marcelino Teodoro para ipagbawal ang parking fees, CR for fee sa malls, suportahan natin! (Paging SM, Robinson’s, Ayala, Landmark & Trinoma)

00 Bulabugin JSY
MATAGAL na nating isinulat sa ating KOLUM ang isyung ito.

Kaya naman natutuwa tayo kay Marikina City 1st District representative Marcelino Teodoro sa ginawa niyang panukalang batas (House Bill 456) na nagbabawal sa mga mall at hotels at iba pang pampublikong lugar na maningil ng parking fee.

Sa ilalim ng panukalang batas (HB 456), ang mga may-ari ng shopping malls, hotels at katulad na negosyo at commercial establishments ay pinagbabawalang maningil, manghingi, mangolekta o tarahan ng ano mang halaga ang paggamit ng parking spaces sa kanilang establisyemento.

Isa sa mga katiyakan na hindi maniningil ng parking fee o bayad sa paggamit ng comfort rooms ang isang establisyemento ay ang pagbinbin o hindi bibigyan ng building permit ang mga itatayong commercial establishments na mayroong parking spaces and facilities maliban kung magsusumite ng affidavit ang may-ari na ang kanilang parking spaces ay ipagagamit nang libre sa kanilang mga parokyano.

Ang sino mang lumabag sa nasabing batas ay maaaring makulong ng hindi bababa sa limang (5) taon at multang P500,000.

Hindi nga naman magandang serbisyo ito sa publiko lalo na iyong mga pribadong malls at hotels.

Mantakin naman ninyo, papasok ka na sa establisyemento para mamili o kumain tapos sisingilin ka pa nila ng parking fee?!

Ang mas malala pa nga, merong mall gaya ng Landmark sa Ayala at Greenhills na naniningil ng bayad kapag gumamit ng comfort room ang mga consumer.

O ‘di ba!?

Iimbitahan ninyo ang mga tao na mamili o magpunta sa estblisyemento ‘e saan ninyo ipagagarahe ang sasakyan ng mga consumer?!

Ang masakit pa rito, magbabayad ka na ng parking fee na per ora, tapos mababasa mo pa sa kanilang signage na wala silang pananagutan kapag nanakawan ang sasakyan mo at/o kapag ‘yung mismong sasakyan mo ang nawala.

SONABAGAN talaga ‘yan!

Pagbabayarin ka pero wala pala silang pananagutan kung ano man ang mangyari sa sasakyan ng consumer?!

Aba ‘e magsara na lang kayo!

By the way, ibinabayad ba ninyo ng ‘BUWIS’ ‘yang mga sinisingil ninyong PARKING FEES?!

Congressman Marcelino Teodoro, Sir, sana ay huwag ninyong bitawan ang panukalang batas na ito.

Huwag sana kayong marahuyo kung sino man ang gamiting ‘EMISARYO’ ng malls na ‘yan sa pagsusulong ninyo ng House Bill 456.

Mabuhay ka Congressman!

KAP AMAZING STORIES IS REALLY AMAZING!

AKALA ko talaga ACTION STAR si Senator BONG ‘AMAZING KAP’ REVILLA.

Hindi pala, isa pala siyang KOMEDYANTE.

Hik hik hik…

Para linisin ang kanyang pangalan kaugnay ng P10-billion pork barrel scam ‘e kumuha siya ng isang penmanship (signature) expert para patunayan umano sa publiko na peke ang kanyang pirma sa mga dokumentong sinuri ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na inilaan sa limang non-government organizations ni Janet Lim Napoles.

Ang kabuuang PDAF ni Revilla na napunta sa NGOs ni Napoles ay P422.99 milyones.

At dahil si Senator Amazing Kap nga ang kumuha sa nasabing penmanship expert ‘e normal lang na idedeklara niyang ‘PEKE’ ang mga pirma ng mambabatas sa mga nasabing dokumento.

‘E simpleng-simple ‘di ba?

Walang ipinagkaiba ‘yan sa mga politikong nagpapa-survey sa mga survey firm.

S’yempre dahil sila ang nagpakomisyon ng survey, ang lalabas na bida sa SURVEY e sila rin.

AMAZING ka talaga SENATOR KAP!

Hindi ka naman KALBO, e bakit ka nagpapatawa?!

Hak hak hak!

LAW ENFORCEMENT AGENCIES NAKA-SILENT MODE VS PROSTI DEN Y CASA SA MAKATI (ATTENTION: MAYOR JUNJUN BINAY)

PATULOY ang walang kamatayang pananahimik ng Department of Justice – IACAT, NBI AHTRAD at CIDG-WACO sa mga prosti den y casa sa Makati City.

Alam po ba ninyo kung ano ang pagkakaiba ng mga CASA de Puta sa Makati kompara sa mga KTV bar/club na mayroong VIP rooms?!

‘Yung mga babae po sa mga KTV bar/club ay mayroong pagpayag kung ano man ang gawin sa kanila ng customer sa VIP rooms.

‘Yung mga babae sa mga CASA sa Makati, karamihan  sa kanila ay mga MENOR DE EDAD mula sa mga probinsiya at nagoyo ng mga recruiter. Ibinebenta sa mga hapon at Koreano.

Isang malinaw na human trafficking sa hanay ng mga kabataan at kababaihan.

Imposibleng hindi alam ng law enforcers ‘yan. Lalo na ng Makati PNP.

Inuulit lang po natin kung nasaan ang lokasyon ng mga prosti casa den … d’yan po sa Barangay Palanan, the same streets pa rin ang location ng mga prostitution den…sa Marconi corner Bautista streets na ang maintainer ay si EFREN BUGAW; sa Casino corner Bautista streets ay si JERRY BUGAW ang may hawak at sa Emilia corner Araro streets ay si BEBOT BICUTAN naman ang utak ng sex trafficking..

Si alyas Betlog ‘este’ BEBOT ang nagpapakilalang bagman ng PNP-NCRPO na siyang protector ng mga nasabing casa sa Makati.

Talaga bang ‘SILENT MODE’ lang sina PNP – Makati COP Senior Supt. Manuel Lukban, Jr., laban sa mga ilegalista at human trafficker sa area of responsibility (AOR) niya?

PNP-NCRPO Chief Gen. Marcelo Garbo, gaano ba kalakas sa PNP-NCRPO ‘yang si BEBOT at ang kapal ng mukha na gamitin ang pangalan ng opisina ninyo sa kawalanghiyaan!?

Kernel Lukban, bakit ba tuping-tupi ka kay Bebot Betlog!? Ano ba ang naging ‘cashsunduan’ ninyo at napakalalim ng pagiging ‘SILENT MODE’ ninyo laban sa malalang human trafficking na ito.

Mayor Junjun Binay, nalimutan mo bang anti-human trafficking czar ang erpat mong si Vice President Jojo Binay?!

Masyado pang maaga ang pamomolitika, ‘wag kang mag-SILENT MODE laban sa mga prostitution den na nasa teritoryo mo!

AKSYON MAYOR JUNJUN!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *