ANG feng shui compass, tinatawag ding Lo-Pan, ay ginagamit sa paglalarawan ng Bagua ng bahay upang ma-access ang sumusunod:
• deeper feng shui information sa lugar o gusali, katulad ng paborable at hindi paborableng feng shui areas;
• specific feng shui areas o site na nakakonekta sa specific areas ng buhay ng mga tao;
• main feng shui element na kailangan sa specific feng shui area; at marami pang iba.
Ang feng shui compass ay kinabibilangan ng bands ng concentric rings na nakaayos sa paligid ng magnetic needle. Ang professional feng shui compass ay maaaring mayroong mahigit forty rings ng impormasyon.
Ang ibig sabihin ng Lo ay Everything, at ang Pan ay Bowl; ito ay mailalarawan na ang feng shui compass ay isang container, o mahigit pa, kasangkapan na maaaring gamitin sa pag-access ng misteryo ng universe.
Ang square base ng compass ay traditionally red color, dahil ang red color ay sumisimbolo sa swerte sa Chinese culture. Ang pula ay malakas ding protective color na makatutulong sa paglilinis ng enerhiya sa paligid ng feng shui compass.
Noong sinaunang panahon, ang feng shui compass ay yari sa buto ng tigre at hand painted. Ngayon ay maaaring makabili ng iba’t ibang klase nito sa China town.
Hindi lahat ng mga compass na ito ay accurate, gayunpaman, kaya maingat na piliin ang inyong bibilhin.
Lady Choi