Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trader sugatan sa ligaw na bala

Sugatan ang isang negos-yante matapos  tamaan ng ligaw na bala mula sa hindi pa kilalang suspek habang nasa loob ng sasakyan kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ni P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Criminal Investigation Section (CIS), ang biktimang si Elaine So, 58, residente ng  Beatle St., Valle Verde 6, Brgy. Ugong ng lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6:00 ng gabi  sa  kahabaan ng Meralco Ave., Brgy. San Antonio, Pasig City.

Nabatid na sakay  si So ng Toyota Fortuner na may plakang ZHF 605 na minamaneho ni Jhon Edmund Guda, 25 anyos, stay-in driver ng pamilya ng biktima.

Galing umano sa kanilang pabrika ang ginang sa Manggahan, Pasig City at patungo na sa Ortigas center nang makaramdam ng sakit mula sa kanyang kaliwang balikat.

Nang tingnan ni Guda ang amo ay nakita niyang umaagos ang dugo kung kaya’t agad niyang dinala sa Medical City para malapatan ng lunas.

Ayon kay Guda, nakarinig siya ng putok ng baril ngunit hindi naman matukoy kung saan nagmula at sino ang nagpaputok.

Ang entry point ng bala ay mula sa back driver seat na diretsong tumama sa balikat ng biktima.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung saan nanggaling ang ligaw na bala.

(MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …