NAGKASUNDO ang mga miyembro ng bicameral conference committee na tumalakay sa pagpapaliban sa Sangguniang Kabataan (SK) polls, kahapon na bakantehin muna ang mga posisyon sa youth council hangga’t hindi nakapaghahalal ng bagong mga opisyal.
Sumang-ayon ang mga senador sa bicameral panel sa panukala ng mga miyembro ng Kamara na huwag panatilihin ang pag-upo ng incumbent SK officials makaraang mapagpasyahan ang pagpapaliban sa SK polls.
“We are trying to reform the system. Why would we hold over a system we are not satisfied with?” pahayag ni Senador Ferdinand Marcos, Jr., chairperson ng Senate local government committee na nag-apruba sa panukala, makaraan ang pulong.
Nagkasundo rin ang Senate at House panels na iutos sa Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng SK polls sa pagitan ng Oktubre 28, 2014 at Pebrero 23, 2015, taliwas sa inisyal na panukalang isagawa ang eleksyon sa 2016, kasabay ng barangay elections. (NIÑO ACLAN/
CYNTHIA MARTIN)