ANG feng shui period ay terminong ginagamit sa flying star school of feng shui (tinaguriang San Yuan) bilang paglalarawan ng kilos ng lucky energies. Ang Flying star ay feng shui school kaugnay sa time factor.
Ang bawat time period sa feng shui ay umaabot ng 20 taon, at mayroong 9 periods, ang complete cycles ay umaabot ng 180 taon. Ang period 8 ay nagsimula noong Pebrero 4, 2004.
Ang feng shui bagua trigrams na kumakatawan sa period 8 ay ang Ken Trigram. Ang Ken Trigram ay kinatawan ng feng shui element ng earth (mountain symbol), youthful energy (young man symbol) at direksyon ng Northeast.
• Earth element – ang pinakamaswerteng colors at materials para sa feng shui ng period 8. Ang light yellow color (earthy feng shui color) ay ikinokonsiderang napakaswerte sa period 8, kaya naman ang yellow feng shui crystals ay wonderful energy enhancers dahil dinodoble nito ang lucky energy para sa period 8 ng kanilang kulay (yellow) gayundin ng material (earth).
• Youthful energy (young man symbol) – ito ay inilalawaran bilang tagumpay ng mga sahaman ng mga kabataan at young adults, gayundin ng tagumpay ng iba’t ibang uri ng entrepreneurship, at manifestation ng youthful energy. Ang masidhing focus sa kalusugan at masayang relasyon ay ikinokonsiderang epekto ng feng shui period of 8, dahil habang ang youthfull energy ay napananatili dahil sa magandang kalusugan ay mae-enjoy rin ang magandang kalusugan at masayang relasyon.
• Northeast direction – ito ay maswerte sa feng shui period. Ito ay nangyayari habang sinasagap ng bahay ang higit pang swerte kung ang main door ng bahay ay nakaharap sa Northeast, gayundin ang enerhiya na mula sa pagharap sa Northeast habang nagtatrabaho. Kung ang Northeast ang isa sa iyong best feng shui directions, ang benepisyo nito ay maaaring madoble.
lady Choi