Friday , November 15 2024

Mahirap paniwalaan

NAGPAHAYAG si Senador Juan Ponce Enrile kamakailan na hindi siya nakilala bilang isang traydor sa kanyang mga tauhan. Ginawa niya ang pahayag matapos maglabas ng sama ng loob ang kanyang dating chief of staff na si Jessica “Gigi” Reyes.

Sabi ni Reyes pakiramdam niya siya ay inilaglag ng kampo ng senador matapos magpahayag ang abogado ni Enrile na idinidiin siya kaugnay ng multui-bilyong pork barrel scam. Ang sabi ng kam-po ni Enrile ay walang pahintulot si Reyes na pumirma para sa senador kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala sa mabaho nitong taguri na pork barrel. Si Reyes ay 25 taon na nagsilbi kay Enrile.

Ito raw ang pahayag ni Reyes sa kanyang facebook account ayon sa isang malaking es-tasyon ng telebisyon:  “If indeed these statements are sanctioned by or coming from my former boss, then nothing can be worse than this kind of travesty and betrayal.”

Ngayon hindi natin alam kung totoo nga ang paliwanag ni Enrile na hindi siya nakilalang traydor sa  kanyang mga kasama. Hindi rin natin alam kung totoong inilaglag na niya si Reyes pero bukod sa kanyang dating chief of staff siguro ay mas  magandang tanungin natin ang pamilya Marcos, ang pamilyang Aquino, ang mga biktima ng batas militar at mga kudeta noong dekada 80 kung tama ang pahayag ni Enrile.

Ang pamilya Marcos at Aquino, ang mga biktima ng karahasan ng martial law at kudeta ang tunay na makapagsasabi kung tama si Enrile sa kanyang pahayag.

Mahirap paniwalaan ‘yung taong hindi tiyak sa mga sinasabi. O hindi ba minsan inamin na ni Enrile na “ambush me” ‘yung nangyari sa Wack Wack Golf and Country Club noong 1972 tapos binawi niya ito sa kanyang libro na inilathala kamaka-ilan. Bigay-bawi, paano tayo nga-yon maniniwala sa kanya?

* * *

Nauuso ang plagiarism sa mga kabataan tulad halimbawa ni Mark Joseph Solis na umamin kamakailan na inangkin niya ang isang larawan na hindi naman kanya. Ang larawang kanyang ginamit ay nanalo sa isang prestihiyosong patimpalak.

Dangan kasi nakikita niya sa mga pul-politiko at huwes ang ganitong gawain kaya akala siguro niya ay tulad nila siya ay hindi rin mapaparusahan. Ang hindi niya naisip siya ay maliit pa at walang impluwensya hindi tulad ng mga taong siguro ay kanyang iniidolo.

Naalala ko tuloy ‘yung isang commercial noon na nagpapakita ng isang bata at isang matandang wala sa hulog. Ang sabi ng bata patungkol sa kanyang iniidolong matanda (na nagpapakita ng masamang gawain): “paglaki ko gagayahin ko ‘yan.” Mukhang napanood ni Solis ang patalastas na iyon at maaaring dinibdib niya nang husto.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas 9 hanggang alas 10 ng gabi .

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *