TUKOY na ng gobyerno ang eksaktong kinaroroonan ng pinaghahanap na si MNLF Chairman Nur Misuari, ang sinasabing utak sa Zamboanga crisis.
Ayon kay ARMM Gov. Mujiv Hataman, nasa isang sitio sa Sulu si Misuari ngunit tumanggi siyang isiwalat ang detalye ng pinagtataguan ng MNLF chairman.
Aniya, kasama ni Misuari ang 60 hanggang 100 armadong followers niya.
Sinabi ni Hataman, tinutunton na ng gobyerno ang lokasyon at galaw ni Misuari para masigurong nasa loob pa ng bansa at hindi tuluyang makalabas.
Aminado naman ang gobernador na hindi basta maaaresto si Misuari dahil wala pang kaso at wala pang utos ang alinmang korte para sa pag-huli kaugnay ng Zamboanga siege.
Ngunit naniniwala si Hataman na dapat lamang masampahan si Misuari ng kaso kaugnay ng nangyaring gulo sa Zamboanga. (HNT)