Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DPWH hugas-kamay sa usad-pagong na road construction

DPWH road
NAGSIMULA na naman ang pagbubungkal at pagsasaayos ng kalsada sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension sa Caloocan City kaya simula na rin ng pagbagal ng daloy ng mga sasakyan at pagkairita ng mga driver at pasahero na dumadaan sa nasabing lugar. (RICROLDAN)

PINANINIWALAANG naghugas-kamay ang Department of Public Works and Highways  (DPWH) sa usad-pagong na road construction sa kahabaan ng Rizal Avenue, McArthur Highway, Malabon City, Monumento Circle EDSA, Samson Road, Caloocan City na dahilan ng trapik sa lugar.

Itinanggi ng ahensiya na mabagal ang isinasagawang road construction bunsod ng reklamo ng mga motorista na dumaraan sa lugar.

Sa panayam, tumangging magpaliwanag si DPWH NCR Director Reynaldo Tagudando, hinggil sa naturang proyekto dahil hindi niya kabisado ang proyekto.

Sa halip, si Engr. Allan Pajima ang kanyang pina-interbyu para sumagot sa mga katanungan sa proyekto ng DPWH sa area ng Caloocan at Malabon City.

Itinanggi ni Engr. Allan Pajima, Section chief Maintenance ng DPWH ang reklamo na mabagal ang road construction sa naturang lugar.

Hindi makapagpaliwanag si Pajima kung bakit  kailangan tumagal ang naturang proyekto na p’wede naman matapos sa maikling panahon.

Bagamat tiniyak ni Pajima na nakatakdang matapos sa Nobyembre at Disyembre 2013 ang proyekto, hindi niya matiyak kung kayang mapabilis ang road construction. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …