Wednesday , May 14 2025

Be honest Alcala

DAPAT maging sinsero si Agriculture Sec. Proceso Alcala sa tunay na estado ng stock ng bigas sa bansa dahil nakababahala na ang mga pangyayari lalo’t patuloy at hindi makontrol ng pamahalaan ang pagtaas ng presyo ng pangu-nahing butil sa bansa.

Hindi na rin maganda ang idinudulot ng paglabas ng mga balita na paubos na ang supply ng bigas kaya’t posibleng ito ang dahilan ng pagpa-panic ng mamamayan na dahilan ng pagtaas ng presyo nito.

Nakababahala rin ang hindi pag-amin ni Alcala na umangkat na ang pamahalaan ng bigas sa ibang bansa gayong malinaw sa nakalipas na SONA ni PNoy na enough ang suplay nito sa Filipinas at patungo na tayo sa estado ng hindi pag-import ng pangunahing butil.

Naguguluhan tuloy ang tao dahil ang walang habas na pagtaas ng presyo nito ay senyales na hindi totoo ang pahayag ni Alcala kaya’t dapat hindi maging kampante ang lahat  dahil posibleng mauwi sa panic at kaguluhan ang lahat lalo’t sunod-sunod na ang pagputok ng mga usaping kinasasangkutan ng mga tao at opis-yales ng pamahalaan sila man ay taga-oposis-yon o kakampi ng Malakanyang.

***

Ano na ang nangyari sa kaso ni LTO boss Virginia Torres hinggil sa pagkakahuli sa kanyang nagka-casino?

Mukhang isa ito sa napatungan ng Zambo seige, Napoles pork barrel scam at ngayon ay habagat na naman.

Pero mukhang talagang dehins maglalabas ng desisyon si Trasportation Sec. Joseph Emilio Abaya sa naturang usapin sa kabila ng malinaw na paglabag ni Torres sa isang memorandum ng Malakanyang na nagbabawal sa sinomang tauhan at opisyales ng gobyerno na magka-casino.

Obvious na  may kinikilingan ang administrasyong ito dahil kapag wala silang ginawang aksyon sa kaso ni Torres na mukhang malakas sa Palasyo ay masasabi na nating nagiging ba-luktot na ang daang matuwid ni PNoy.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *