Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barangay hall niratrat 3 patay, 1 sugatan

BINAN CITY, Laguna – Patay ang tatlong barangay official, na kinabibilangan ng dalawang incumbent barangay councilor, habang sugatan ang isang tanod matapos pagbabarilin ng apat armadong kalalakihan ang barangay hall sa Brgy. Mamplasan sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Supt. Simnar Gran kay Laguna Police Prov. Director, Senior Supt. Pascual Munoz, Jr., kinilala ang mga napatay na sina Edwin Salosa, Ogie Villavicencio, kapwa barangay kagawad, at tanod na si Arnaldo Salosa, pawang tinamaan ng bala sa ulo at katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang tanod na si Cristobal Sorilla.

Sa inisyal na ulat, dakong 9:30 p.m. habang nag-uusap sa lobby si Brgy. Chairman Rommel Dicdican at kanyang misis, isa sa mga suspek ang biglang pinagbabaril ang barangay hall.

Mabilis na nakatakbo si Dicdican at ang kanyang misis habang nakipagpalitan ng putok si Edwin Salosa ngunit pinaputukan din siya ng mga salarin.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng get away vehicle patungong South Luzon Expressway.

Pinag-aaralan na ng pulisya ang footage ng CCTV na nakakabit sa barangay hall upang makilala ang mga salarin.

Iniimbestigahan din ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen.

(BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …