PATONG-PATONG na demanda ang isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group ng National Capital Region Police laban sa anim na suspek sa pagpatay sa advertising executive na si Kaye Davantes.
Ang kaso ay isinampa ng CIDG-NCR sa tanggapan ni Prosecution Attorney Omar Casimiro ng National Prosecution Service ng Department of Justice sa mga suspek na sina: Reggie Diel, Lloyd Benedict Enriquez, Samuel Decimo, Kelvin “Jorek” Evangelista, Jomar Pepito at Baser Minalang
Ayon sa CIDG-NCR, may sapat na probable cause upang isailalim sa preliminary investigation sa kasong qualified carnapping at robbery with homicide ang mga suspek.
Batay sa impormasyon mula sa Special Investigation Task Group Kaye, ang tiyuhin ng biktima na si Vicente Davantes ang humarap kay Casimiro bilang complainant.
Ang mga suspek na sina Diel at Enriquez ay hawak ng CIDG-Southern Metro Manila habang si Decimo ay nasa kostudiya ng NBI.
(L. BASILIO)