Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 parak, 2 kasabwat kulong sa hulidap

KULONG ang dalawang pulis at dalawang kasabwat matapos na ihulidap ang sampu kataong nagsusugal ng sakla sa isang lamayan ng patay sa Malabon City kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina PO1 Froilan Deocaris, 31-anyos, nakatalaga sa Sub Station 2, Caloocan Police, residente  ng Bagong Barrio at PO1 Louie Sisca, 30, ng RPHAU-NCRPO, residente ng PNR Compound, Brgy. 73, Caloocan City.

Timbog din ang kasabwat na sina  John Eric Dima, 24 at Elvin Garcia, kapwa residente ng Grace Park at nahaharap sa kasong holdap.

Sa ulat ni P/Insp. Marissa Santos, hepe ng Criminal Investigation Branch, Malabon Police, 9:10 ng gabi kamakalawa nang maganap ang panghoholdap ng mga suspek sa  Brgy. Catmon ng lungsod.

Bigla umanong pumarada sa tapat ng saklaan ang mga suspek sakay ng Toyota Corolla (TCX-237) at biglang nagpaha-yag ng holdap saka pinagda-dampot ang mga taya at pera ng mga nagsasakla pati na rin ang pera ng bangka saka  tumakas.

Matapos matanggap ang tawag ng mga nagrereklamo, agad nagresponde ang awtoridad at  naharang ang mga suspek sakay ng nasabing kotse saka kinompiska ang service firearms ng mga pulis.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …