Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Supot ang paputok ni Denggoy Estrada

MALAKAS ang ugong ng mga bali-balitang magkakanya-kanyang palusot na raw ang mga sangkot sa PORK BARREL SCAM. Siyempre expected na ‘yan. Ang masaklap dito, mga kanayon, tila may planong idamay na ng mga sangkot ang buong institusyon ng Tongreso. Tulad na lang nitong paputok umano ni Sen. Denggoy, este Jinggoy Estrada na magsisiwalat daw ng lahat ng kanyang nalalamang pinagkakitaan ng kanyang mga kasamahan. Kumbaga, sabi nga ni Sen. Franklin “Porky” Drilon, may nagparating na sa kanya na, “IF I FALL, YOU WILL FALL WITH ME.”

Sa madaling salita, SUSUNUGIN ANG BUONG BAHAY PARA MALITSON ANG BABOY.

Ibig ko pong sabihin ay pork barrel. Kapag nangyari ito, hihina ang institusyon dahil mawawalan ng kompiyansa ang taong bayan sa mga senaTONG at TONGresman. Kapag nangyari na ‘yan, malamang pumasok na ang military para isaayos ang magulong sistema. Hanggang sa isinusulat ko ito, matindi pa rin ang banta ni Estrada sa kanyang gagawing pagsisiwalat sa isang PRIVILEGE SPEECH. Bombshell ang tawag niya rito. Pero gaano ba kalakas ang pasasabugin ni Jinggoy? Hindi kaya sa kanyang mukha pumutok ito?

Sa ganang akin, anoman ang ikanta ng SEKSING mambabatas, tiyak na sa kanila rin tatama. Damay-damay na nga. Tsk. Tsk.

Walang lihim na hindi nabubunyag, Mr. Senator. Naalala pa kaya niya ang panghihiyang ginawa kay GENERAL ANGELO REYES? Kung buhay si Reyes ngayon, malamang sobrang halakhak at tuwa ang ikamamatay niya dahil sa karmang tumatama sa nagmamalinis na senaTONG.

Well, ganyan talaga ang buhay. Weder-weder lang. Minsan ang nang-uusig ang siya namang uusigin. Inuusig kaya ng konsensiya nila ngayon sina JPE, Estrada at Bong Agimat at kanilang mga kakutsaba sa naturang scam?

Palagay ko’y hindi. Wala namang konsensiya ang mga dinapuan ng sandamakmak na salapi.

UMUWI KA NA, ATTY. GIGI REYES

Total malinaw na inilaglag na siya ng dating kasintahan, este boss pala, na si JPE, mas mainam kung uuwi na rito si Gigi Reyes para sagutin at harapin ang mga kaso laban sa kanya. Kasabwat daw umano si Ma’am Gigi sa pandarambong ng kuwarta ng bayan. ‘Yun nga lang nagtatago ngayon sa ibayong dagat ang abogada. Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Reyes na isang malaking PAGTATAKSIL ang ginawa ng kampo ni Enrile nang sabihing hindi awtorisado ni Manong ang mga transaksiyon kay Napoles. Paktay kang bata ka!

Ano ang masasabi mo rito, Mr. Inky Reyes? Gusto ko HAPPY KA!

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …