NAKAHANDANG magbitiw si Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa kanyang posisyon kapag napatunayan ni dating Sen. Francisco ‘Kit” Tatad ang isinulat sa kanyang column na nakasalo pa sa tanghalian ni Pangulong Benigno Aquino III si Janet Lim Napoles ilang oras bago ang pagsuko ng negosyante sa Palasyo noong Agosto 28 ng gabi.
“He has not even identified the sources of this ‘lunch with Napoles.’ You know, I’m still waiting for it. If he can prove to me that Napoles had lunch with the President, I will resign, simple as that,” hamon ni Lacierda kay Tatad.
Itinanggi rin ni Lacierda ang akusasyon ni Tatad na ginamit ng Palasyo si Napoles at inilagak sa non-government organizations (NGOs) ng ginang ang P69 bilyon para ipang-areglo sa mga mambabatas, para mapatalsik si dating Chief Justice Renato Corona at para maipasa ang Reproductive Health Law sa Kongreso.
“If he has any documents to prove that, then show it. He just keeps on giving us innuendoes. I mean, we are a very transparent administration,” sabi ni Lacierda.
Kung hindi aniya kaya ni Tatad na patunayan ang mga ibinibitang sa Palasyo ay dapat nang manahimik ang dating senador at humingi ng paumanhin sa Malacañang.
(ROSE NOVENARIO)