Saturday , December 21 2024

Mabaho at maruming tubig ng Sta. Lucia Waterworks sa San Mateo, Rizal

OPPPSS … baka po kayo ay malito, hindi po ang bayan ng San Mateo, Rizal ang pinatutubigan ng Sta. Lucia Waterworks kundi ang Greenland Newtown Executive Subdivision na matatagpuan sa Barangay Ampid-Banaba na nasa ilalim ng developer – Sta. Lucia Realty & Development, Inc.

Masasabi sanang maganda ang serbisyo ng patubig dahil sa 24/7 ang tubig sa gripo na kahit kung minsan ay mahina ang pressure lalo na tuwing Sabado’t Linggo dahil maraming naglalaba o ‘di kaya mahina rin ang pressure kapag hapon na sa weekdays  dahil hindi nakaaakyat ang tubig sa mga bahay na may ikalawang palapag.

At least kahit na paano ay masasabing hindi nawawalan ng tubig sa subdibisyon na ang nagsu-supply ay ang Sta. Lucia Waterworks.

Obligadong sa naturang waterworks (daw na matatawag) magpakabit ng tubig ang mga residente o ang  lahat ng magpapatayo ng bahay sa subdisyon dahil no choice po sila. Bakit? Wala pa o ‘di pa nakapapasok ang MWSS sa subdibisyon kahit may linya na ang MWSS sa main road ng San Mateo ilang metro lang ang layo mula sa main gate ng Greenland Newtown Subdivision.

Okey lang naman sana kahit na hindi sa ilalim ng MWSS ang patubig dito kung…masasabing totally na maganda ang serbisyo ng Sta. Lucia Waterworks. E ang problema. Naku!? Para sa construction lang ang tubig! @#$%^&!*&

O sige, puwede rin panlaba, panghugas ng pinggan, kotse, pandilig ng halaman, etc. pero ang problema ay hindi naiinom ang tubig.

Hindi puwedeng inumin dahil nga po maamoy at marumi ang tubig.

Matagal-tagal na rin daw nakarating ito sa kaalaman ng Sta. Lucia Waterworks pero, umaaksyon naman daw sila kahit na paano, pero wala pa rin pagbabago. Anak ng pu … pusa talaga o!

Kahit nga construction boys dito ng mga nagpapagawa ng bahay – noong una ay pinagtitiyagaan nila ang tubig – iniinom at ginagamit na pangluto pero nang makaramdam na sila ng kakaiba sanhi ng maamoy na tubig at marumi. Hayun ang mga kawawang maralita ay bumibili na rin ng purified water para makasiguro.

Bilang residente rito, naireklamo ko na rin ito – verbally sa mga tauhan ng Sta. Lucia Waterworks na masisipag umikot sa subdibisyon para maningil ng bills sa mga hindi umaabot sa due date.

Matatawa ka na lang sa sagot nila na … “konting tiyaga na lang sir at inaayos na ang lahat … baka magte-take over na ang MWSS.”

Kailan naman ito? Tanong ko.

Malapit na sir, kaunting tiyaga at pasensya na lang. Sagot pa niya.

Ngek! Paktay kang bata ka! Buwisit!

Hayun, hanggang ngayon ay wala pa rin iyong sinasabing turn-over sa MWSS kaya hanggang ngayon ay doble ang gastos ng mga residente sa tubig dito. Hu…hu…hu…hanggang kailan ba ang pagtitiis sa marumi’t maamoy na tubig ng Sta. Lucia Waterworks na ang charge sa pagbabakabit ay P8,500? No choice kundi maghintay na lamang sa sinasabing turn-over sa MWSS.

Pero ganoon na lamang ba ang dapat na gawin o solusyon sa problemang maamoy at maruming tubig na ang per cubic ay P8.00?

Sa pamunuan ng Sta. Lucia Waterworks, sana naman kung gaano kayo kasipag sa paniningil ay ganoon din sana kayo kabilis kumilos at kasipag sa reklamo laban sa inyong patubig.

Oo nga’t puwedeng inumin at gamitin panluto ang tubig mula sa inyong patubig, ‘e ang kasunod naman nito ang malaking problema … malamang maospital ka. Biktima na rin ako ng patubig n’yo, pero hindi naman ako naospital kundi matinding sakit sa tiyan ang dinanas ko.

Heto lang masasabi ko, sana habang naghihintay kami sa sinasabing turn-over sa MWSS, gawan n’yo muna ng paraan ang maamoy (mabaho) at maruming patubig n’yo. Wala naman problema sa bayaran, ‘di ba? Lahat ng mga residente dito ay nagbabayad ng bills pero, maging patas naman kayo. Ayusin n’yo ang serbisyo n’yo!

Pati sa security and maintenance fee, aba’y umikot kayo at tingnan n’yo ang subdisyon kung talagang malinis at kung talagang may seguridad ang mga residente lalo na sa gabi. Bibihirang magronda ang mga iilang guwardiya rito.

Patinuin niyo ang patubig n’yo, gayundin ang security and maintenance niyo!

Mahiya naman kayo!

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *