Sunday , December 22 2024

Good job, Erap!

Then he said to them all: “If anyone would come after me, he must deny himself and take up his cross daily and follow me.” –Luke 9:23

PURIHIN natin si President Mayor Joseph Estrada sa maagang pagdedeklara ng walang klase sa lahat ng antas ng paaralan sa Maynila.

Madaling araw pa lang ay gising na si President Erap at nagtatawag na sa mga radio and television stations para sa deklarasyon ng “suspension of classes” sa Lungsod.

***

SINUNDAN nito ng dekarasyon naman na walang pasok sa Manila City halldahil maraming empleado umano ang stranded sa kalsada papasok sa  kanilang trabaho.

Ikinasiya ito ng maraming taga-Maynila, dahil talaga naman ginagampanan ni Presidente Erap ang kanyang trabaho bilang Ama ng Maynila.

Bravo! Bravo!

***

KAYA naman hindi tayo naniniwala na mahirap gisingin si President Erap lalo na sa umaga. Karaniwan daw ay tanghali na bumangon sa higaan.

Pero napatunayan natin na mali ang mga ‘tsismis’ na ito sa ipinakitang malasakit at halimbawa ni Presidente Erap kahapon sa mga Manileño.

***

PERO sadyang may mga taong mas ‘kicking and alive’ magtrabaho sa hapon kaysa umaga.

Ito ‘yun mas ginaganahan kumilos at magtrabaho kapag hapon, mas listo mag-isip.

In fairness!

MAYNILA, HANDA SA KALAMIDAD

KAHAPON din ipinaalisto ni President Erap ang mga responsable sa disaster and rescue team ng Lungsod. Ang grupo na nagsasagawa ng relief and rescue operation kapag may kalamidad, gaya ng bagyo.

Ang maganda rito, hindi na mahihirapan si Presidente Erap na maghanap pa ng evacuation centers dahil may naitayo nang permanent evacuation centers ang  Maynila, siyempre courtesy of our greatest Mayor Alfredo Lim.

***

SI Mayor Lim ang nagpatayo ng fully-furnished na Baseco Evacuation Center atDelpan Evacuation Center na tinatawag na Manila Disaster Risk Reduction Building noong nakaraang taon.

Kompleto sa lahat ng kagamitan ang evacuation centers ni Mayor Lim mula sa maayos na palikuran, clinic, kitchen at maging playground para sa mga bata.

***

TANGING sa Maynila lamang mayroon ganitong uri ng permanent evacuation centers.

Hindi na kailangan gamitin pa ang mga eskwelahan upang kanlungan ng mga biktima ng kalamidad. Ang permanent evacuation centers ang kasagutan upang pansamantalang panuluyan sa panahon ng kalamidad.

Salamat sa iniwan mong legasiya ni Mayor Lim!

“SATISFYING DISHES”

SINO itong tatlong personalidad na binabansagan ngayon bilang “satisfying dishes” sa city hall?

Ang tatlo ay kinabibilangan ng dalawang mga dating Konsehal at ang isa ay aktibong mataas na opisyal ng city hall ngayon.

***

NABANSAGAN ang tatlo na “satisfying dishes” dahil ang kanilang mga plato ay may nakahain na  ‘masasarap na pagkain’  lahat ay natitikman nila sa city hall.

Mga “juicy position” na nakopo nilang lahat, dahil sa panlilinlang at pananamantala nila sa Punong Lungsod.

***

ANG trio na “satisfying dishes” ang itinuturing na pinakamaimpluwensiyang personalidad sa Maynila.

Sila ang may kontrol sa Lungsod. Walang sinoman ang maaaring bumangga sa kanilang grupo. Kumbaga, punong-puno ng grasya ang kanilang plato!

Kailan naman kaya sila mabibilaukan?!

“BABOY SHRINE”

BABOY na baboy na pala ang shrine ni Gat Andres Bonifacio riyan sa Arroceros area, katabi ng Manila City hall.

Napakarumi na ng Bonifacio shrine dahil hindi na makontrol ang pagdami ng illegal vendors. Kung noong una ay kontrolado at maayos pa ang pamamalakad, pero ngayon nasasalaula na ang lugar ng shrine ng ating bayani.

***

ANG matindi rito, ginagawa pang tirahan ang dalawang kubo (na noo’y opisina ng Senior Citizen).

At tila ginawang 7-11 store ang isa pang kubo dahil bukas 24-oras bilang tindahan ng kung ano-anong paninda. Nanalangin na lang ang inyong Lingkod na sana ay ‘mabuhay’ si Bonifacio mula sa kanyang mural at pagtatagain ang mga responsable sa pambababoy sa kanyang shrine.

***

PANALANGIN na rin natin na sana ay subukan maglakad ni Presidente Erapsa buong lugar ng shrine at makita ang tunay na kalagayan nito ngayon.

Pinabayaan, binaboy at sinalaula ang Bonifacio shrine ng mga taong nais magkamal ng kuwarta gamit ang “katas” ng pobreng vendors.

Kahit itanong n’yo pa President Erap kay ex-Councilor Ric Ibay!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o text 0932-5641058. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *