ANG feng shui color ng kadalisayan at kainosentehan, ang puti ay ikinokonsiderang isa sa supreme colors ng ancient Yogi traditions.
Ito man ay sa fresh white snow o sa immaculate dress ng magandang bride, ang pure white color ay bibighani sa atin sa feng shui energy of innocence nito at bagong posibilidad.
Sa feng shui, ang puti ay kulay na nabibilang sa feng shui element ng Metal. Ang feng shui energy nito ay “crisp, clear, clean and fresh.” Ang puti ay kulay ng mga panimula, gayundin ng malinaw na katapusan.
Ito ay mainam gamitin para sa feng shui saan mang bahagi ng inyong bahay, lalo na kung gagawing contrast sa brighter colors, ang puti ang pinaka-versatile color na makatutulong sa pagpapatingkad ng enerhiya ng ano mang challenging room.
Ang white color ay highly recommended para sa feng shui areas na ang Metal ang dominant element, katulad ng West at Northwest bagua areas ng bahay o opisina.
Limitahan ang all-white scheme sa feng shui bagua areas ng East at Southeast, at gamitin ito bilang accents, kaysa bilang dominant color.
Sa pagkakaroon ng fresh, pure white space, sa meditation space man o sa bathroom, ito ay magpapakalma sa pag-iisiip at magpapakalat ng healing feng shui vibrations sa buong bahay.
Pupunuin din nito ang iyong subconscious ng feng shui energy ng lumalawak na mga posibilidad at magandang bagong kinabukasan.
Lady Choi