Sunday , December 22 2024

Coaches ng The Voice, nahirapan sa pagpili ng Top 4!

ISANG napakainit na labanan ang naganap noong Linggo sa The Voice of the Philippines nang ipakilala na ang nakapasok sa Top 4 artists na siyang maglalaban-laban sa next week’s grand finals matapos ma-eliminate ang apat pang  contestants sa napaka-hit na TV talent search.

Lahat ng apat na coach na sina Apl de Al, Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Bambo ay nahirapan sa pagpili sa dalawang representative ng kanilang team dahil talaga namang masasabing the best of the best ang mga iyon.

At pagkatapos pagsamahin ang scores ng bawt coach sa  dalawang rounds ng public voting na nagsimula noong  Saturday’s performance show, ang napiling apat ay sinaMitoy Yonting, Janice Javier, Myk Perez, Klarisse de Guzman na magre-represent na sa grand finals.

Isang close battle ang nangyari sa bawat final two contestants ng bawat team. Sa Team Bamboo, nakakuha si Myk ng total na 103.08 points samantalang si Paolo Onesa ay 96.92. Binigyan ni Bamboo si Myk ng score na 55 sa kanyang performance sa reggae version ng Baby I Love Your Way, samantalang si Paolo ay binigyan laman niya ng 45 percent para sa  pag-awiti niya ng Elisi ng Rivermaya.

Close fight din ang nangyari sa Team Leah dahil nakakuha si Mitoy ng  total of 108.78 points. Binigyan siya ni Lea ng 45 points para sa magandang pagkaka-awit niya sa kanta ni  Laura Branigan ng The Power of Love. Si Radha naman ay nakakuha ng 55 points mula kay Lea para sa version niya sa awitin ng The Beatles ng Let It Be. Lumamang si Mitoy kay Radha dahil nakakuha ito ng 63.78%  sa public vote .

Tinalo naman ni Klarisse si Morisseette Amon na nakakuha ng 118.39 points matapos isama ang 55 points na ibinigay sa kanya ni Sarah. Binigyan pa ni Sarah ng standing ovation si Klarisse sa kanyang  performance ng Bee Gees’ To Love Somebody. Inawit naman ni Morissette ang Who You Are ni Jessie J.

Nangibabaw naman si Janice mula sa public vote at sa boto ng kanilang coach na si Apl dahil sa kanyang soulful take on John Lennon’s  Imagine laban kay Thor Dulay’semotional version ng Broadway anthem na Climb Every Mountain. Nakakuha ng total score na 112.85 si Janice.

(M.V. Nicasio)

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *