Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aira, buwis-buhay kung magsayaw

TALAGANG hindi pa rin matatawaran ang galing ng Sexbomb Girls, nariyan pa rin ang tatak nila na talagang magaling gumiling.

Nakita uli ang kanilang husay sa pagsasayaw sa  GMA 7’s Sunday All Stars sa team ngTWEETHEARTS nitong nakaraan linggo nang humataw ng Latino dance si Aira Bermudez kapareha ni Rodjun Cruz na buwis buhay ang hatawan sa sayawan.

Bukod kay Aira, kasama niyang nagbuwis-buhay sa pagsasayaw ang iba pang Sexbomb Girls na sina CheChe, Johlan, Louise, Mhyca, Jomarie, Krizia, Dona Camille,  at ang pinakabagong myembro ng Sexbomb Girls na si Emylou na taga-Palawan.

Nang ilipat naman naming sa ABS-CBN, nakita naman namin ang paghataw nina Sexbomb Girls Sunshine Garcia at Jopay Paguia na kasama sina Rayver Cruz,Enchong Dee, Gerald Anderson atbp. Sa ASAP 18.

Nakatutuwang panoorin na kahit hindi sila magkakasamang sumasayaw sa iisang channel,  hataw pa rin naman sa blessings ng shows ang Sexbomb Girls. Kaya nais kong batiin ang kanilang manager na si Joy Cancio. Kapag talagang magaling, ‘di kaagad-agad naitutumba.

Sa kabilang banda, kung gusto n’yong mapanood ng live ang Sexbomb Girls mapapanood sila sa Zirkoh, Tomas Morato tuwing Linggo at kakaibang sayawan naman ang makikita sa kanila.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …