Sunday , December 22 2024

Tatlong suspek sa Davantes murder hawak ng NCRPO

Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang tatlo sa mga suspek sa pagpaslang sa advertising executive na si Kristelle ‘Kae’ Davantes.

Sa isang press conference ng National Capital Region Police Office (NCRPO), sinabi ni police Sr/Supt. Christopher Laxa, pinuno ng Task Force Kae, nakasentro ang imbestigasyon ng pulisya sa anggulong pagnanakaw batay na rin sa pahayag ni Samuel Decimo, 19-anyos, isa sa mga suspek na unang natimbog noong Biyernes.

Dahil dito, isinantabi na ng mga awtoridad ang anggulong “crime of passion” sa pagpaslang sa 25-anyos na senior account manager ng McCann Worldgroup.

Naaresto sa Cupang, Muntinlupa ang mga suspek na sina Lloyd Enriquez, 18-anyos at Jojo Diel, 30-anyos na sumuko sa mga pulis noong Sabado.

Ayon kay Laxa, tinutugis na ng mga awtoridad ang tatlo pang suspek kabilang si Jomar Pepito at isang alyas “Fasher” na itinuturong kasabwat sa krimen.

Sinusuri na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang narekober na isang Toshiba laptop at iPhone 5 mula sa isang tindahan sa Alabang, Muntinlupa City na pinaniniwalaang pag-aari ni Davantes at umano’y ipinalit nina Decimo sa P17,500 cash at halaga ng mga damit.

Matatandaang ‘di nakauwi sa kanilang bahay sa Las Piñas ang dalaga matapos gumimik sa Bonifacio Global City, gabi ng Biyernes, Setyembre 6.

Kinabukasan, natagpuan ang bangkay ni Davantes sa ilalim ng tulay sa Silang, Cavite. Setyembre 15, Linggo ng umaga naman nang narekober sa Camella Homes 4 sa Las Piñas ang kotse ni Davantes habang nag-alok ng P2.5 milyong pabuya ang Palasyo para sa ikadarakip ng mga suspek sa krimen.

LAPTOP, CELLPHONE NI KAE NABAWI NG NBI

Nabawi na ng NBI-NCR ang laptop at cellphone na pag-aari ng pinaslang na advertising executive na si Kae Davantes.

Ang mga gamit ni Davantes ay nakuha mula sa isang boutique sa Rotonda, Alabang sa Muntinlupa City.

Mismong ang naarestong suspek sa krimen na si Samuel Decimo ang nagturo sa nasabing boutique na pinagdalhan ng mga gamit ng biktima.

Ayon sa may-ari ng boutique, tatlong mga kabataang lalaki ang bumili ng mga hiphop na damit sa kanyang pwesto.

Pero wala umanong perang pambayad ang tatlong lalaki sa mga nabiling damit na nagkakahalaga ng halos P6,000, kaya’t ginamit na lamang daw pambayad ang cellphone at laptop.

Nagdagdag pa umano ang may-ari ng boutique ng P11,500 bilang kabayaran sa laptop.

Gayonman, naka-reformat na ang cellphone at laptop nang dalhin sa nasabing boutique.

Samantala, nakatakdang dumating kagabi sa NBI ang mga kapatid ni Davantes para kompirmahin kung pag-aari nga ng biktima ang mga narekober na gamit. (LEONARD BASILIO)

ROBBERY VS KILLERS  NI KAE – NBI

Inihahanda na ng NBI ang kasong robbery na ihahain laban sa naarestong mga suspek sa pagpatay sa advertising executive na si Kae Davantes.

Paglilinaw ni NBI-NCR Director Elfren Meneses, ang kasong inihahanda ay kaugnay sa hiwalay na insidente ng robbery na kinasasangkutan ni Samuel Decimo, 19, at posibleng naisalang kahapon, sa inquest proceedings ang suspek.

Samantala, inaasahan na sa susunod na linggo ay maihahain ang kaso kaugnay ng pagpatay kay Davantes pero ito’y daraan muna sa regular na proseso ng paghahain ng reklamo.

Kahapon nang umaga, nagtungo sa tanggapan ng NBI ang tiyuhin ni Kae na si Vince Davantes, para personal na magpaabot ng pasasalamat sa pagkakadakip sa suspek.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *