Friday , January 10 2025

Senador ang padrino ni David “Bata” Tan sa rice smuggling

MADARAGDAGAN ang tutukan ng publikong katiwalian sa pamahalaan sa nakatakdang imbestigasyon ng Senado ngayong linggo hinggil sa nakaaalarmang pagtaas ng presyo ng bigas dulot ng pagkontrol sa daloy ng supply nito sa pamilihan ng rice cartel.

Plano ng Senate Resolution 233 na iniakda ni Sen. Loren Legarda at Committee on Agriculture Chairperson Sen. Cynthia Villar na hubaran ng maskara ang mga nasa likod ng smuggling ng bigas, sibuyas  at rice hoarding ng ilang grupo at malaman ang tunay na sitwasyon ng supply ng bigas sa bansa.

Natural na isasalang sa gaganaping Senate hearing ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) para mabigyang-linaw ang usapin lalo na’t tinadtad ang nasabing ahensiya ng black propaganda nitong mga nakalipas na linggo na pinondohan ng “Godfather” ng rice smuggling/ cartel sa ating bansa na isang David “Bata” Tan.

Ginagamit ng pangkat ni Tan sa demolition job laban kay Alcala ang isang abogado para mailuklok sa pwesto ang kanilang mga kasabwat upang lubusang makontrol ang smuggling at cartel ng bigas sa bansa.

Nakasandal daw sa pader ang grupo ni Tan, at isang SENADOR, isang PRESIDENTIAL RELATIVE at isang dating opisyal ng Food Terminal Inc. (FTI) ang sinasabing mga protektor nila kaya nakaabang ang publiko kung kaya nitong rendahan ang dalawang kasamahang “maria” na mangunguna sa imbestigasyon ng Senado sa mga alingasngas sa bigas.

Isang bilyong piso ang ipinangako ni Tan bilang campaign funds sa kabagang na senador para masungkit ang mas mataas na posisyong inaasinta nito sa 2016 elections, tiyakin lang na walang hahadlang sa kanyang rice smuggling operations.

Ang senador din ang ginamit ni Tan para ‘patahimikin’ ang Senate inquiry sa rice smuggling noong nakaraang taon kapalit ng pagtustos niya sa re-election bid sa nakaraang halalan at limang milyong pisong halaga ng relo para sa kanyang dyowa.

Tukoy naman na ni Legarda ang ‘unholy alliance’ ng dalawa dahil ang sabwatang ito ang napaulat na nagpakana nang pagsisiwalat ng mga bahay ng senadora sa Makati City at US na hindi raw idineklara sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

‘BATA’ NI DAVID ‘BATA’ TAN

SUSUNOD NA HEPE NG IEG SA BOC

PITONG buwan pa lang ang nakararaan o noong Pebrero 2013 ay inirekomenda sa 43-pahinang committee report ng Senado na magsampa ng graft charges laban kay dating National Food Authority (NFA) Chairman Lito Banayo at kanyang dating chief of staff na si Atty. Gilbert Lauengco, miyembro ng special bids and awards committee ng NFA.

Ito’y dahil napatuyanan sa ginawang pagsisiyasat ng Senado na sa panahon ni Banayo sa NFA, isang bigtime rice cartel ang nagsasagawa ng operasyon  na ang ginagamit na prente ay mga kooperatiba ng mga magsasaka para magpuslit ng bilyon-bilyong halaga ng bigas sa bansa.

Kontrolado nila ang dalawampu’t limang kooperatiba at binili na ang kanilang quota sa halagang P10 bawat sako ng bigas.

Ang quota ng bawat kooperatiba ay 5,000 metriko tonelada na katumabas ng 100,000 sako ng bigas.

Ganyan karami ang bigas na nasa kamay ng rice cartel, kaya puwede talaga nilang paikutin sa kanilang mga kamay ang supply at presyo nito sa pamilihan.

Kasama sa plano ng mga protektor ni David “Bata” Tan ang pagtatalaga sa bagong opisyal ng Customs bilang Deputy Commissioner for Intelligence and Enforcement (IEG).

Ang manok ng senador at presidential relative para sa naturang puwesto ay dating opisyal sa GMA administration at kamakailan ay nagbitiw sa Office of Civil Defense (OCD), pero matagal nang kasabwat ng rice smuggler nang ito ay nakaupo pang opisyal ng FTI.

MAG-INGAT KAY ATAYDE

ALYAS BOGART NG ‘VALLE VERDE’,

KAY NOEL BUNGAL

AT ALYAS ALEX SEE

KABILANG din sa sindikato ni David “Bata” Tan ang dalawang nabansagang RAKETEROS sa Customs na si ATAYDE (alyas BOGART) at ang kanyang tirador na si NOEL ‘BUNGAL’ MARIANO at isa pang nagpapakilalang ALEX SEE.

Kapal ng mukha lang ang puhunan ng dalawang damuho subali’t limpak-limpak naman ang kanilang kinita sa pagpapanggap bilang kolektor ng isang mataas na opisyal sa Customs bago nabuko sa kanilang raket.

Sa loob ng dalawang taon, ipinangongolekta nila ng hanggang P20 milyones kada linggo ang isang mataas na opisyal ng Customs.

Ang mga coffee shop ng Hyatt hotel at Manila hotel ang nagsilbing opisina nina Bogart at Noel Bungal sa loob ng dalawang taon at dito nila kinakausap ang mga ‘player’ (mga broker at importer na smuggler) sa Customs na naghahatag sa kanila ng linggohan.

Itinatayang hindi bababa mula P3-M hanggang P5-M ang ibinubulsa ng dalawang raketeros kada linggo kaya mabilis na nakabili ng bagong mansion si Bogart mula sa dati niyang bahay na binabaha sa Marikina.

Nakapagpatayo na rin ng isang bagong Bar si Bogart mula sa nakakamal niya gamit ang pangalan ng mataas na opisyal sa BoC na hanggang ngayon ay kanyang ipinangongolekta ng ‘TARA.’

Isa-isa natin silang huhubaran ng maskara sa mga susunod nating kolum.

Abangan!

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *