Friday , January 10 2025

Prosti den y casa sa Makati humahataw pa rin! (Attn:DoJ-IACAT; NBI-AHTRAD; CIDG-WACCO)

00 Bulabugin JSY

DEKA-DEKADA na rin mula nang ‘SUMIKAT’ ‘yang mga ‘CASA DE PUTA’ sa MAKATI CITY.

Hindi na rin nabago ang lugar. Kung dati ang tawag d’yan ay Sitio Palanan ngayon ay Barangay Palanan na.

The same streets pa rin ang location ng mga prostitution den…sa Marconi corner Bautista streets na ang maintainer ay si EFREN BUGAW; sa Casino corner Bautista streets ay si JERRY BUGAW ang may hawak at sa Emilia corner Araro streets ay si BEBOT BICUTAN naman ang utak ng sex trafficking..

Itinuturo ang isang BEBOT na nagpapakilalang bagman pa raw sya ng PNP-NCRPO na siyang protector ng mga nasabing casa sa Makati.

At ‘yan naman talaga ang ipinagtataka natin, matagal nang sumikat ‘yang area na ‘yan sa Makati sa ganyang uri ng pagkakawartahan pero nagtataka tayo kung bakit paulit-ulit pa rin na nabubuhay ang operasyon ng mga ‘casa de puta’ d’yan.

Hindi ba kayang linisin ni PNP – Makati COP Senior Supt. Manuel Lukban, Jr., ang mga ilegalista at human trafficker sa area of responsibility (AOR) niya?

PNP-NCRPO Chief Gen. Marcelo Garbo, gaano ba kalakas sa PNP-NCRPO ‘yang si BEBOT at ang kapal ng mukha na gamitin ang pangalan ng opisina ninyo sa kawalanghiyaan!?

‘E pati raw si Kernel Lukban, tumutupi kay Bebot Betlog!?

O baka naman mayroon nang ‘cashsunduan’ na nagpatahimik sa kanya?!

Mayor Junjun Binay, hindi ba’t anti-human trafficking czar ang erpat mong si Vice President Jojo Binay?!

Aba, hindi kaya ‘padapain’ at ‘paluin’ ka niyang tatay mo dahil sa mismong area mo nagpupugad ang mga ‘human trafficker?’

Patay kang bata ka, Mayor Junjun Binay!

Pagtrabahuin mo ‘yang COP mo na si Kernel Lukban!

‘PATULO’ NI EMIL SA GAPAN CITY PROTEKTADO NG PNP!?

PUMUPUTOK ang pangalan ng isang alyas ‘EMIL TULO.’

Putok na putok na siya ang ‘HARI NG PATULO’ sa Gapan City, Nueva Ecija.

Ang teritoryo niya ay d’yan sa highway malapit sa boundary ng Gapan at San Miguel, Bulacan

Lantaran at walang kinatatakutan ang operasyon ni alyas ‘Emil Tulo.’ Harap-harapan pa raw ang pagpapatulo sa mga oil tanker at trucking.

Wala nga raw naglalakas ng loob na sitahin siya kahit na lantaran ang patulo n’ya sa oil tanker at trucking.

Wala rin sumisita sa kanyang mga awtoridad dahil ang madalas niyang bukambibig ay isang Col. Nieves.

Ipinagyayabang pa umano ni ‘Emil Tulo’ na nagpapadala siya ng linggohang timbre sa Local PNP at kay Col. Nieves sa pamamagitan ng kanyang kolektor o ‘bagman’ para huwag mabulabog ang kanyang ilegal na negosyo.

Ganyan katindi ang operasyon ng patulo ni ‘Emil Tulo.’

Sino ba ang Col. Nieves na madalas i-name drop ni Emil Tulo?

‘Yan ang ibubulgar natin sa mga susunod na araw, abangan …

MAY ALAGANG ‘ASONG ULOL’ SI CHAIRMAN ORLANDO MALLARI?!

ISANG nagpapakilalang aso ‘este’ bata ni Chairman Orlando Mallari ang naghahasik ng lagim sa Barangay 173 Zone 15 d’yan sa District 2 ng Tondo.

Siya raw umano si Nick Ocena alyas BURGOO.

Ang pakilala ni BURGOO ay siya ang pinagkakatiwalaang ‘HITMAN’ ni Chairman Mallari at ng konseho ng barangay.

Nito nga lang nakaraan ay naghasik na naman ng lagim si BURGOO sa Tirso Cruz III St.

Napadaan umano ang isang residente sa nasabing street habang nag-uumpukan ang mga naglalaro ng basketball.

Pamaya-maya pa ay bigla umanong lumapit ang ‘asong   ulol’ ni Chairman na si BURGOO na hindi maintindihan kung lasing sa alak o sa droga.

Paglapit ni BURGOO sa tila pinagti-TRIPan residente ay agad bumunot ng baril saka nagsisigaw na, LUMABAS umano ang matapang na madalas magpadyaryo laban sa grupo nina Mallari.

Mabuti na lamang at umawat ang ilang malalamig ang ulo kaya hindi natuloy bang paghaharap ng dalawa.

Agad din naman tumawag ng responde mula sa pulsiya ang residenteng tinutukan ng baril pero hindi na nakita ang ‘asong nauulol.’

Aba Chairman Mallari, kung hindi tayo nagkakamali ‘e nagharap na tayo minsan dito sa opisina namin.

Ano ba ang nagyayari at mayroon na namang gumagamit sa pangalan mo na tila nagsisiga-sigaan d’yan sa lugar/barangay ninyo?!

Aba irespeto n’yo naman ang karapatan ng ibang residente d’yan.

Hindi lang kayo ang naninirahan d’yan.

Hindi ninyo pag-aari ang barangay na ‘yan.

Chairman Mallari, pakisabi sa bata mong asong ulol, hinay-hinay naman!

Baka isang araw, pati ikaw ay sakmalin n’yan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *