Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-apply ng good feng shui sa worst direction, maaari ba?

MAAARI bang mag-apply ng good feng shui sa bad feng shui directions?

Ang inyong lucky feng shui direction ang makatutulong sa inyo sa paghikayat ng kalidad ng enerhiya na higit n’yong mapakikinabangan, at tugma para sa inyo.

Kapag batid n’yo na ang inyong feng shui lucky directions, masusubukan n’yo na kung epektibo ito sa inyong bahay, at sa inyong pagtulog (ang direksyon ng inyong ulo habang nakahiga sa kama).

Ang pagkakaiba ng specific bagua area ng inyong bahay at specific feng shui direction, ay dapat mabatid, dahil dito higit na nagkakaroon ng kalituhan.

Ang lahat ng bagua areas ng inyong bahay, ito man ay inyong bad feng shui directions o hindi, ay kailangan na maayos na tugunan at dapat magkaroon ng best feng shui upang makabuo ng good energy.

Gayunman, hindi lahat ng feng shui directions ay mainam na harapin sa mahabang sandali, dahil ang ilan ay may better energy para sa inyo kaysa iba (hanapin ang inyong best feng shui directions).

Halimbawa, ang Northwest ay isa sa inyong bad feng shui directions. Hindi ibig sabihin na dapat mo nang pabayaan ang Northwest feng shui bagua area ng inyong bahay, o kaunting panahon lamang ang ibuhos dito. Hindi dapat.

Ang ibig sabihin, sikaping hindi harapin ang direksyon na ito habang ikaw ay nagtatrabaho nang mahabang oras sa inyong mesa, o habang natutulog.

Sa madaling salita, ito ay tinatawag na best o worst facing direction dahil may dahilan.

Huwag itong ipagkamali sa feng shui bagua areas na kailangang balansehin para sa good feng shui sa inyong bahay.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …