Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, ayaw makipag-negosyo kay Dingdong (Aktres, pinayagang mag-promote sa mga show ng Dos)

NOW it can be told. Ayaw palang makasama ni Marian Rivera ang boyfriend na siDingdong Dantes para sa isang co-production venture.

“Ayaw. Ayoko talaga,” may diing sabi ni Marian sa presscon ng Kung Fu Divas.

“Okay na po ‘yung (nasa) relationship kami, may kanya-kanya kaming soap opera, may kanya-kanya kaming ginagawang trabaho. Siguro ‘wag naman sa lahat ng bagay ay magka-share kaming dalawa kasi wala na kaming bagong pag-uusapan kasi sa lahat ng aspeto ay magkasama kaming dalawa. Siguro maganda ‘yung pagkakataon na kapag nagde-date kaming dalawa ay mayroon akong hindi alam sa kanya at mayroon siyang hindi alam sa akin na mas magandang pag-usapan. At least lalo kaming mai-in love sa isa’t isa,” esplika niya.

May nakapansin na parang nagiging habit na ni Marian ang makipagtrabaho sa mga Kapamilya star. Noong una kasi, nakasama niya si Piolo Pascual sa first indie film niVilma Santos na Ekstra. Kamakailan ay nag-guest siya sa show ni Kris Aquino na Kris TV. At ngayon, kasama niya sa movie si Ai Ai delas Alas.

“Nagkataon lang kasi roon sa ‘Ekstra’ ‘yung producer ay kaibigan ng ex-manager ko, so pinakiusapan ako kung gusto ko raw na isa ako sa cast kasi gusto ako ni Ate Vi (Vilma Santos) na makatrabaho. So, sabi ko, bakit hindi. At ginawa ko ‘yon for love para malinaw po,” she explained.

“Nagkataon lang siguro na in-offer sa akin ni Direk Onat (Diaz) ito. Naging co-producer ako at si Ate Ai at sakto rin po sa Star Cinema. Siguro destiny din po, nagkataon po lahat,” dagdag pa niya.

Very grateful si Marian na pinagbigyan ng GMA ang request niyang makapag-promote sa ABS-CBN shows.

“Siyempre po bilang producer ay gusto ko ring makatulong, ayoko lang na bilang arista o financial na ano, na nagbigay lang ako ng talent fee o nagbigay lang ako ng financial dito. Ang gusto ko, ‘yung buong buhay ko, buong puso ko ay nasa pelikula. Kasi kung lahat kami ay ganoon ang ginawa rito ay bakit ‘di ko gagawin ‘yon bilang producer,” she explained.

“So nakiusap kami sa GMA na baka maaari namang makapag-promote ako rito (Sa ABS-CBN) at makatulong sa pelikula ko. In fairness to GMA, ay sobrang love nila ako. Hindi sila nagdalawang-isip. Sabi nila, ‘sige, gawin mo.’ Roon pa lang ay nakikita ko na love nila ako at napaka-thankful ako at mahal na mahal nila ako at proud akong maging Kapuso.”

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …