DINAPUAN na ng tigdas o measles ang mga batang pansamantalang nakatira sa evacuation centers sa Zamboanga City habang patuloy ang bakbakan ng mga tropa ng pamahalaan at pwersa ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Sa naitalang record ni City Health officer Rodelin Agbulos, apat na kaso ng tigdas ang naitala sa Joaquin F. Enriquez, Jr., Memorial Sports Complex.
Bukod sa tigdas, iba pang sakit tulad ng upper respiratory tract infections, diarrhea, at skin diseases ang tumama sa mga kabataan.
Ang pagkalat ng nasabing mga sakit ay isinisisi sa poor hygiene at environmental sanitation.
Sa huling ulat, ang nasa-bing evacuation center ay may 11,979 pamilya o 71,265 katao.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 20,643 pamilya o 111,162 katao ang nasa 57 evacuation centers.
Nagsasagawa na ang health officials ng solusyon para hindi na lumalala ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagtuturo ng kalinisan sa evacuation centers.
(BETH JULIAN)