MALAKI ang posibilidad na mag-co-produce sina Dingdong Dantes at Marian Riverasa isang pelikula. Tulad ni Dingdong ay movie producer na rin si Marian via the movieKung Fu Divas with Ai Ai delas Alas na ipalalabas ngayong October 2.
“Looking forward ako riyan,” bulalas ni Dingdong.
“Mayroon naman, mayroon,” ang sinabi pa ni Dingdong tungkol sa plano na mag-coprod nga sila ni Marian.
Ang unang naging reaksiyon ni Marian nang nalaman nito na pipirma siyang muli saGMA?
“Kasi alam ninyo po independent kami sa mga desisyon namin so alam niya, ang ibig sabihin, maaaring may posibilidad na hindi siya mangyari.
“And alam ko naman sa puso niya na gusto rin niya na manatili akosa GMA so alam kong isa siya sa mga taong lubos na natuwa na ito ang naging desisyon ko,” aniya pa.
Ginagawa niya ang She’s The One para naman sa Star Cinema with Bea Alonzo.
Tinanong din si Dingdong kung may interes pa siyang pasukin ang politics balang araw sa mga eskandalong nangyayari ngayon gaya ng pork barrel scam.
“Alam ninyo po one thing is for sure, hindi naman ako titigil sa ginagawa ko, which I’ve been doing eversince. And ako para sa akin bilang citizen na nagbibigay pasasalamat and giving it back dahil sa mga biyayang natatanggap ko, hindi naman ako titigil doon, eh.
“Iyon lang naman ang nagiging basehan ng lahat,” tugon niya.
Sa five years na guaranteed contract sa GMA ay magbabalik din ba siya sa pagiging direktor? Nagdirehe na si Dingdong dati ng isang pelikula (ang Angels) at isang GMAhorror series.
“Yes, yes.”
Kailan siya uli magdidirehe?
“Sana eh, siguro mga two years, a couple of years. Pinaghahandaan ko po, eh. May materyal. Could be TV pero siyempre mas maganda kung pelikula.”
May hosting din? Mahusay na TV host din si Dingdong.
“Maaari, mayroon din po.”
Sa tanong naman kung kasama sa kontrata niya ang GMA Films.
“Ah hindi, magkaiba po ‘yun. Although it’s encompassing also kasi I believe naman na GMA Films is one branch, isang sanga ng GMA pero ‘yung pinirmahan ko it encompasses everyhing naman.”
Pero hindi siya exclusive sa GMA Films.
“Yes. Like what I’ve said pretty much kung ano po ‘yung estado ng kontrata ko rati eh, ganoon pa rin ngayon. Kumbaga, open pa rin ako sa pagtatrabaho outside of television.
“Kasi alam ninyo ang pananaw ko riyan napakaliit lang ng industriya, ‘di ba?”
Nakagawa na si Dingdong ng dalawang pelikula sa Star Cinema at isinu-shoot na ang pangatlo.
Open din si Dingdong na muling makipag-co-produce sa GMA Films gayundin sa Star Cinema.
“Mayroon din naman po. Kumbaga, at the end of the day kung ano ang magiging beneficial sa buong industry, doon tayo.”
‘Yun na!
Juan dela Cruz merchandize, patok na patok din
KUNG kami ang tatanungin, ang Juan Dela Cruz ang pinaka-successful fantaserye ngABS-CBN. We can say it’s a phenomenon!
For the record, consistent sa pagiging number one ang JDC sa rating. Never pa itong natalo mula nang umere.
Bukod sa rating, ang balita namin ay malaki ang contribution ng JDC pagdating sa ad load ng ABS-CBN. Consistent sa pagiging loaded with commercials ang JDC.
Pati ang merchandise ng JDC ay hit na hit sa kids. At ang dalawang volumes ng JDC ay talaga namang patok na patok!
And higit sa lahat, ang ganda ng story, mounting at acting, wala kaming masabi. FromCoco Martin, Erich Gonzales, Albert Martinez, Zsa Zsa Padilla, Gina Pareno, Eddie Garcia ay talaga namang winner. Kudos din kina Shaina Magdayao, Arron Villaflor, Martin del Rosario, at John Regala na napakahusay din!
Kahit noong buhay pa ang karakter ni Joel Torre bilang Pepe, ay naku naman talaga. Ang husay niya!
Kudos kina Direk Malu Sevilla, Avel Sunpongco, at Jojo Saguin sa napakahusay nilang direksiyon. At ang creative ng Juan Dela Cruz dahil isa na siguro ito sa mga fantaserye na kinagat mula bata, matanda, babae, lalaki, at mga bata.
Congrats sa Dreamscape for coming up with such brilliant concept sa primetime. Let’s see kung matatapatan ng mga gustong um-attempt ang na-achieve ng Juan Dela Cruz.
Roldan Castro