OO’t nasa unang puwesto ang Petron Blaze at mayroong twice-to-beat na bentahe kontra sa kanilang makakaharap sa quarterfinals ng 2013 PBA Governors Cup subalit hindi puwedeng magkompiyansa ang mga bata ni coach Gelacio Abanilla III.
Bakit?
Kasi mabigat pa rin ang makakaharap nila sa susunod na yugto.
Makakalaban ng Boosters ang No. 8 team at sa sandaling isinusulat ito ay puwedeng Barangay Ginebra o TalkN Text ang makasungkit gn huling ticket sa quarterfials.
Hindi tiyak kung alin nga ang makakasagupa ng Petron. Pero kahit na anong team pa iyon, aba’y hindi puwedeng maliitin.
Hindi naman bago sa PBA ang pangyayaring nasilat ng no. 8 team ang No. 1 squad, ‘di ba?
Nangyari na ito noong nakaraang season nang talunin ng Powerade ang SanMig Coffee sa quarterfinals. No. 8 seed ang Powerade pero nagawa nitong makarating sa Finals ng 2012 Philppine Cup.
Siyempre, puwede itong maulit.
At iyan ang ayaw na mangyari ni Abanilla.
Kasi nga naman mayasasayang lahat ng kanilang pagupunyagi.
Masasayang ang eight-game winning streak ng Boosters kapag hinayaan nilang masilat sila ng No. 8 team.
Kung titignang maigi, ang talagang kalaban ng Petron Blaze Boosters ay ang mismong sarili nila.
Napakalakas ng koponang ito at ang potential ay limitless. Hindi pa talaga napapalabas ni Abanilla ang lahat ng puwedeng ilabas ng koponan.
Matagal na ngang inaasahang mamamayagpag ang Petron pero natagalan lang.
Huwag lang silang magpabaya, siguradong malayo ang kanilang mararating.
Sabrina Pascua