Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bong, pinagbabayad ni Osang sa utang sa GMA

NATAWA kami, si Senador Bong Revilla ang ipinasisingil ni Rossana Roces sa GMA 7, ng kanyang bayad sa network na itinakda ng korte. Dinugtungan pa niya iyon na kung siya lang “kahit singkong duling hindi ako magbabayad sa kanila”.

Nagpalabas na kasi ng desisyon ang korte na totoo ngang nagkaroon ng paglabag si Rossana sa kanyang kontrata sa GMA Network matapos niyang sabihin na ayaw na niyang mag-showbiz pero makalipas ang ilang buwan ay lumabas naman siya sa isa pang talk show sa ABS-CBN. Iyon ang batayan ng demanda ng GMA.

Ang sinasabi naman ni Rossana, nag-resign siya sa show nila matapos na ibulgar ni Lolit Solis na buntis ang kanyang anak na si Grace sa kabila ng kanyang denial. Natatandaan pa ba ninyo iyong kaso na inilabas pa ni Rossana ang supposed to be ay picture ng kanyang anak sa isang very private situation para patunayan lang na hindi iyon nabuntis ni Jolo Revilla? Pero nanganak pa rin naman ang anak niya at inaming si Jolo ang tatay.

Noon naman daw nag-resign siya, wala nang sinabi sa kanya ang GMA, at hindi naman siya tumatanggap ng anumang bayad mula sa network, kaya ang alam niya tapos na rin ang kanilang usapan. Iyon naman daw sinasabing paglabas niya sa The Buzz, interview daw iyon sa kanya dahil sa isang issue. Ibig sabihin hindi siya lumabas doon bilang talent ng show.

Bukod doon sinasabi niyang namatay daw ang kanyang abogado sa kasong iyon, at simula noon ay wala na siyang nalaman pa tungkol sa kaso hanggang sa lumabas na lang sa TV na pinagbabayad na nga siya ng P2-M sa GMA Network.

Pero talagang mas natawa kami roon sa sinabi niyang “singilin nila kay Bong Revilla”. Bakit si Bong ang magbabayad niyon?

(ED DE LEON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …