Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

17-anyos dinonselya ng sariling kuya

LOPEZ, Quezon – Walang-awang sinira ang magandang kinabukasan ng isang 17-anyos dalagita ng kanyang mismong sariling kapatid sa Brgy. Poblacion ng bayang ito.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Aida habang detenido naman sa Lock -up Jail ng Lopez Municipal Police Station ang suspek na si Michael, 20, panganay na kapatid ng dalagita, kapwa ng nabanggit na bayan.

Sa ipinadalang report ng Lopez PNP sa Camp Guillermo Nakar sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Ylagan,  Quezon PNP Provincial Director, naganap ang pang-aabuso dakong 7 p.m. kamakalawa sa kanilang bahay habang wala ang kanilang mga magulang.

Nabatid na hindi nakapalag si Aida nang tutukan ng patalim sa leeg ni Michael at siya ay ginahasa.

Nang mailugso ang puri ng dalagita ay iniutos ng suspek na huwag sasabihin kahit kanino ang nangyari ngunit biglang dumating ang kanilang mga magulang at naabutan ang umiiyak na biktima.

Bunsod nito, agad isinumbong dalagita ang nangyari kaya ipinaaresto ng mga magulang si Michael. (RAFFY SARNATE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …