Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Laglagan blues sa tongreso

HANAP-DAMAY. Ito ngayon ang mood ng mga mambabatas na nasasangkot sa PORK BARREL SCAM. Kumbaga sa isang taong may ginawang masama, kapag naipit na, ituturo na lahat. Kung malalaglag siya, isasama na ang mga kasama.

Ganito ngayon ang naoobserbahan ko sa Senado. Una, inilaglag na ni Juan Ponce “Happy ka sa PDAF” Enrile ang dating waswit, este chief of staff na si MA’AM GIGI REYES. At ngayon heto na si Sen. Jinggoy “Sexy” Estrada na nagsasabing magsasagawa siya ng PRIVILEGE SPEECH sa isang linggo para pangalanan ang iba pang kasamahan na umano’y may kinalaman din sa maanomalyang paggamit ng PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND.

Pero teka, Sen. Denggoy, este Jinggoy. Hindi po ba mas magandang sagutin na muna ninyo ang lahat ng akusasyon at patunayang kayo po ay inosente sa ibinibintang sa inyo na kayo daw po ay NANDAMBONG ng daan-daang milyon pisong dapat sana ay nagamit sa pag-angat ng kabuhayan ng mahihirap na Pinoy? Mahirap din po, Mr. Sexy ang magturo dahil baka MANUNO at lalo pang magkaproblema.

Isa pa, kung ang magiging tugon ng sinoman na mambabatas sa kasong PLUNDER na isinampa sa kanila ay ang maghanap ng damay, hindi ba’t senyales ito na MAAARI ngang MAY KATOTOHANAN ang BINTANG? Parang sinasabi nating ABA HINDI LANG AKO. SILA RIN KASABWAT.

Well, karapatan ‘yan ng sinomang mambabatas na ipagtanggol ang sarili. Sabi nga, kahit gaano kalakas ang ebidensiya, kapag hindi pa napapatunayang GUILTY ay dapat ituring na INOSENTE pa rin.

Malay nga ba natin kung FORGED o PINEKE nga naman ng mga TRUSTED staff nila ang kanilang mga pirma. Ang makasasagot lamang niyan ay ang mga tauhan nila na sangkot din sa scam na ngayon ay mga nawawala na.

Takbo, mga hinayupak! Takbo! Balang araw madadampot din kayo at doon kayo kakanta na parang ibong Adarna. Sa tingin ko, lalong madidiin ang mga senaTONG at TONGresman natin kapag nagkantahan na ang mga ibong pipit.

Nasa taumbayan na ang huling halakhak!

Sa gagawing PAGHAHANAP-DAMAY ni Jinggoy, tila mas gugustuhin na niyang wasakin ang BAHAY kaysa linisin ito. Sama-sama tayo sa pagguho ng Kongreso.

Naku! Denggoy. Kayo na lang nina Tanda at Pogi ang magsama. Pero kung may ebidensiya din laban sa iba pa ninyong kasamahan, well and good!

Magsama-sama kayo sa bahay na napapalibutan ng rehas.

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …