Friday , January 10 2025

Kultura na ng “PH lawmakers” ang magnakaw ng pork barrel

MANDUGAS ng salapi ng sambayanang Filipino ang malaon nang nagaganap sa loob at labas ng Kongreso. Ngayon naniniwala si  Afuang, na may dahilan ang diktaduryang rehimeng Marcos,  na i-abolish ang  Kongreso at mag-deklara ng Batas Militar, noong September 21, 1972, 41 taon na ang nakararaan.

Sa panahong ito, na walang pork barrel si Pangulong Ferdinand E. Marcos, mayroong 7,883 Presidential Decrees ang kanyang nalikha. At hanggang ngayo’y patuloy na ginagamit at pinakikinabangan ng sambayanang Filipino.

Mga P.Ds. buhat sa utak at talino ng diktaduryang Marcos, ang sa tuwi-tuwina’y pananggalang na ginagamit ng mga sumunod na pangulo ng bansa, na mga  MANDARAMBONG din.

Buhay pa at namamayagpa pa sina: FVR, Asyong “Erap” Salonga at Gloria “Pandak” Arroyo.  P-Noy not included? Sana!!!

Walang pork barrel si Marcos sa loob ng 14 years at  67 Presidential Decrees lang po, Bayan, ang na-repeal dito, kaya  buhay-na-buhay po ang 7,816 “Marcos Laws” na ipinatutupad sa kasalukuyan na siyang gumagabay sa bansang nakalubog na sa kumonoy ng korupsyon na nagpapahirap sa mas maraming mamamayan sa kasalukuyan.

Nang mapalayas  ang rehimeng Marcos, nangarap tayo’t namag-asang gaganda na ang  takbo ng ekonomiya at pampolitikang kalakaran ng ating bansa.  Tutuwid na ang pag-ugit ng ating mga pinunong bayan.  Nagbunyi tayong lahat sa ‘pagkawala’ ng mga Marcos, sa paniwalang nawala na ang mga MAGNANAKAW sa salapi ng taumbayan.

Kasama na rito ang mga TIRADOR at BIRADOR na teknokrat ni  Marcos na sina Benedicto, Roberto Ongpin, Danding Cojuangco, atbp., mandarambong, na ilang taon pa ang lumipas matapos ang EDSA Uno, nagbalikbayan ang mga Marcos cronies kaya’t nagpatuloy ang kanilang pamamayagpag sa politika at ekonomiya sa Filipinas.@#$%^&*()!

Kaipala’y pawang mga maling akala ang mga pangarap nating ito na tila mananatiling ilusyon lamang. Lalong lumala at dumami pa ang mga mandarambong sa kaban ng bayan sa PH.

Mga outlaws in disguised as honorable lawmakers, na karamihan po rito, bayan, ay mga anak ng dating ‘mga hampaslupa’ @#$%^&*().

•••

Dahilan sa P10-B PDAF scam, nadagdagan ang 300,000 criminals at large, whereabouts unknown. Wow!! Its more fun in the Philippine congress dahil ‘umuulan ang kuarta,’ salapi na buhat sa katas at dugo ng sambayanang  Filipino. @#$%^&*()!

Madali’t salita, ang bilang na 300,000 pugante sa batas ng Filipinas,  nadagdagan agad ng dalawa pa, ang mga chief-of-staff ni “Mr. Ambush Me” Enrile  at  “Amazing Kaps Wealth” Bong Revilla, na sina Atty. Gigi Reyes at Ruby Tuazon plus a certain Labayen.

Who’ll be the next fugitive from justice na mga  mambabatas? Na tatakas palabas ng bansa? To elevate criminal prosecution of P10-B PDAF scam?

Remember, ani BENHUR LUY  et al, direktang sangkot sa 50/50 hatian blues ang mga Senador at 23 tongressmen sa P10-B PDAF scam.

So, sumatutal may posibilidad na tataas pa sa 300,000 ang fugitive from justice ang sisibat ng Filipinas para magtago sa ibang bansa habambuhay to evade criminal conviction from these “CRIME OF THE CENTURY” in the Philippines.

Dapat magkaroon agad ng “ASAP” hold departure order  ang mga  buwakang inang ‘yan na dumugas ng ating kuarta.

Overwhelming ang mga ebidensya na dinala ng DoJ sa Ombudsman, at tiyak na aaksyonan agad ito ni Justice Conchita Carpio Morales para isampa sa Sandiganbayan ang kasong plunder sa mga sangkot na lawmakers kasama si Janet Lim-Napoles.

Due process of the law? Binigyan ba ng due process ng mga hinayupak na mga outlaw lawmakers ang kuarta nating mga Filipino? Hindi po! Bayan, gising!!

Ibalik ang death penalty sa Filipinas!!!

Abner Afuang

About hataw tabloid

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *