WALANG reklamo si Ping Medina sa acting ni Aljur Abrenica sa isang serye ng GMA 7. Nakakapag-deliver naman daw si Aljur. Mag-bestfriend ang role nila sa naturang serye.
Tinanong din si Ping ukol sa kapatid niyang si Alex Medina na hindi lang magaling umarte kundi palaban din sa hubaran.
“Yes, pinaka-daring ko na ever, nipple exposure, iyon na! Kahit kissing scene wala. Rati binigyan ako ng chance sa ‘MMK’ na reypin si Anne Curtis, pero hindi ko tinanggap kasi hindi ko pa kaya that time. Twenty-three pa lang ako noon, ganoon. Parang feeling ko hindi pa ako ready, baka hindi ko siya magawa ng tama so, hindi ko ginawa, for MMK iyon, matagal na,” kuwento niya.
May disadvantage ba na anak siya ni Pen Medina?
“Actually double-edgde sword siya, eh. Kasi una nakatutulong siya dahil Medina so, mapapansin ka agad. Pero at the same time may expectation agad na mataas. So. ‘pag hindi mo naibigay, yari ka! Thankfully naman, ako na-meet ko naman ‘yung expectations, wala namang masyadong nang-ano sa akin,” sambit niya.
Hilot massage, ipino-promote ni Jacky Woo sa Japan
Kamakailan ay dumating sa Pilipinas ang Japanese actor/producer na si Jacky Woo. After so many months ay bumalik ulit siya para mag-guest muli sa Bubble Gang at sumayaw din siya noon Linggo with the Instagang group nina Mark Herras sa GMA7.
Pinuri siya nang husto ng mga hurado lalo na si Janno Gibbs na ngayon lang daw siya nakakita ng Japanese na caveman.
Bukod sa pagbabalik niya sa Bubble Gang ay abala si Jacky sa preparasyon ng pelikulang kanyang ididirehe for a Japanese Film Company rito sa Pilipinas. Kukunan na sana sa Thailand ito dahil na rin sa request niya para mabigyan ng trabaho ang ilan nating kababayan.
Ang isa pang pinagkaka-abalahan ni Jacky ay ang pagba-boxing. Nang magbalik siya sa Japan ay may schedule siya ng boxing sa lightweight category.
Isa sa mga negosyo ni Jacky sa Japan ay ang pagpo-promote niya ng Hilot style natin na pagmamasahe. Maraming hapon daw ang gusto ng ganitong style ng massage. Nag-aral noon si Jacky ng hilot style massage rito sa Pilipinas under the supervision of TESDA at dinala nga niya ito sa Japan. Maraming natututuhan si Jacky rito sa Pilipinas huh.
Ang Death March naman na nag-debut sa Cannes Film Festival ay may imbitasyon sa Gijon International Film Festival sa Spain sa November 15-23 at sa IFF of India sa Nov 20-30, at sa IFF of Kerala sa Dec 6-13 na parehong sa India. tuloy pa rin siya sa Busan International Film Festival sa Busan sa Korea Oct 3-13.
Roldan Castro