Wednesday , December 24 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Stags ayaw paawat sa NCAA Chess

LUMAKAS ang tsansa ng San Sebastian College Stags sa asam na maging back-to-back champions matapos kaldagin ang Mapua sa 89th NCAA senior chess tournament na ginaganap sa Arellano U gym sa Legarda, Manila.

Bumida si FM Mari Joseph Turqueza sa board 1 upang pangunahan ang panalo ng Stags sa Cardinals, 3-1 nang pisakin nito si Alexis Enrico Jacinto.

Nakaipon ang Mendiola-based SSC ng 24.5 points matapos ang seven rounds ng second round sapat para manatili sa unahan  habang magkasalo sa segundo puwesto ang College Of Saint Benilde Blazers at AU Chiefs tangan ang 18 pts.

Nanaig sa boards 2 at 3 sina Adrian Perez at Arvie Jongko laban kina Christian Dave Cabida at Steven Crenz Fulcher ayon sa pagkakasunod habang si Ralph Jordan Floro lang ang nabigo sa Stags matapos yumuko kay Glenn Delos Santos sa board 4.

Pinayuko ng Blazers ang Emilio Aguinaldo College Generals, 2.5-1.5 habang tinuhog ng Chiefs ang Letran Knights, 3-1.

Ang San Sebastian ang nanguna sa first round kaya kung sila pa rin ang kokopo ng second round ay tatanghalin silang kampeon agad sa nasabing event.

Sakaling iba ang mag-top sa second round ay magkakaroon ito ng one-game championship match.

Samantala, nagpapatuloy ang pagpapakitang-gilas ng AU Braves sa juniors division dahil kinaldag nila ang defending champions Letran Squires, 2.5-1.5.

May naitala nang 25 puntos ang Braves habang ang Squires ay may 23.5 pts.

Ang Squires ang umibabaw sa first round kaya kung magtutuloy-tuloy ang AU ay magkakaroon ito ng one-game tie-break.

Si FM Paulo Bersamina lang ang nagwagi sa Squires nang pagpagin nito si Carlo Caranyagan sa board 1 habang tabla sa board 2 si Melwyn Kenneth Baltazar kay Kyz Lllantada.

Hindi naman kinaya nina Squires woodpushers John Fleer Donguines at Alexis Anne Oseña ang mga nakatunggali sa boards 3 at 4 na sina Tucker Howard Viernes at Ynna Sophia Canape.

ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …