Sunday , December 22 2024

Sa Atimonan incident 13 PNP officers kinasuhan ng multiple murder

PORMAL nang sinampahan ng kasong multiple murder sa Gumaca, Quezon Regional Trial Court ang 13 opisyal ng PNP hinggil sa madugong Atimonan incident noong Enero 6, 2013 sa Atimonan, Quezon.

Batay sa 43 pahinang resolusyon na inaprubahan ni Prosecutor General Claro Arellano, kabilang sa mga sinampahan ng kasong multiple murder ay sina Supt. Hansel Marantan, Supt. Ramon Balauag, C/Insp. Grant Gollod, S/Insp. John Paolo Carracedo, S/Insp. Timoteo Orig, SPO3 Joselito De Guzman, SPO1 Carlo Cataquiz, SPO1 Arturo Sarmiento, PO3 Eduardo Oronan, PO2 Nelson Indal, PO2 Al Bhazar Jailani, PO1 Wryan Sardea, at PO1 Rodel Talento alyas Rodel Tolentino.

Samantala, obstruction of justice ang isinampa laban kina Police S/Insp. John Paolo Carracedo at sa Army officer na si Lt. Rico Tagure.

Inabswelto ng DoJ sa kasong multiple murder si C/Supt. James Andres Melad at mga kawani ng Philippine Army na sina Lt. Col. Monico Abang, Capt. Erwin Macalinao, Lt. Rico Tagure, Corporal Rogelio Tejares, Private First Class Ricky Jay Borja, Private First Class Michael Franco, Private First Class Gil Gallego, Private First Class Melvin Lumalang, Private First Class Alvin Roque Pabon, Private Emergin Barrete at Private Marc Zaldy Docdoc.

Habang abswelto rin sa obstruction of justice ang mga tauhan ng PNP-Quezon crime laboratory.

Nabatid na 13 katao ang namatay nang harangin at pagbabarilin ng grupo ni Marantan sa isang checkpoint sa Atimonan, Quezon ang mga pasahero ng dalawang SUV kabilang na ang sinasabing jueteng lord na si Vic Siman.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *